Mabilis na lumingon si Martin nang marinig ang hiyaw ni Nelly habang kausap niya ang Gobernador ng isang lalawigan na kaibigan ni Mrs. Gayon. Gulat at takot na tiningnan ni ng mga bisita ang isa sa mga bisitang nagsuka sa sahig ng dining area, at ang isa pang bisita ay nagdagdagan pa ng isa at nang isa pa, hanggang sa halos kalahati ng bisita ay nagsimula nang humawak sa mga tiyan ng mga ito at di na napigilan na dumuwal sa sahig at ang iba ay sa upuan at lamesa ng restaurant.
"Oh my God," ang mahinang sambit ni Mrs. Gayon na nakatayo sa kanyang tabi at tinakpan ng mga palad nito ang bibig dahil sa pag-aalala sa nangyari sa mga bisita.
Hindi na nagpaalam pa si Martin sa Gobernador at kay Mrs. Gayon, dali-dali siyang naglakad at nagpang-abot silang dalawa ni Sarine na kitang-kita sa mukha nito ang labis na takot nang makita ang mga bisita na nagkalat ng suka sa loob ng restaurant at ang pagkakagulo ng mga bisita.
"Tumawag ka sa 911, tapos papuntahin mo yung mga tauhan dito para makapaglinis," ang malumanay na pagbibigay niya ng instruction kay Sarine na namutla na ang mukha sa takot.
"Sarine," ang mariin na sabi ni Martin sa asawa nang natulala na ito, at nakuha niya ang atensyon nito at saka ito tumangu-tango sa kanya, at tumakbo na ito pabalik sa likuran kung saan naroon ang kanyang opisina at kusina.
"Alvin, tawagan mo ang staff, yung taga linis," ang sabi ni Martin kay Alvin na mabilis na tumalima.
"Ano bang mikrobyo ang inilagay ng misis mo sa pagkain, myGod!" ang sigaw ni Nelly sa kanya at hindi na muna niya ito pinansin. Mas importante na madala sa hospital ang mga nagsukang bisita na sa tantiya ni Martin ay nasa bente na katao.
"Jasper, dalhin na natin sa hospital ang mga nagsuka na guests, tumawag na kami ng ambulance pero baka mahuli pa ang mga ito ng dating," ang sabi niya kay Jasper.
"I agree," ang sabi ni Jasper at inuna na nila ang ate nito na nanghihina na ang katawan. Maya-maya ay nasa likuran na ni Martin si Sarine na mukhang naging listo na rin at nawala na ang shock sa nangyari pero halata na takot pa rin ito.
"Sarine, tulungan mo si Jewel na lumabas para madala sa sasakyan nito, tutulungan ko yung mga lalaki palabas," ang muling sabi niya sa asawa.
Nag-aalangan man sa utos ni Martin ay tumalima si Sarine, kahit pa asiwa siya sa anak ni Mrs. Gayon ay kailangan niya itong tulungan. Hinawakan niya sa bewang si Jewel at isinabit niya ang nalalambot na braso nito sa kanyang balikat saka niya hinawakan ang kamay nito. Amoy niya ang maasim na amoy ng duwal nito lalo pa at naduwal ito sa damit.
"Ayoko sa iyo," ang sambit ni Jewel sa kanya, pero hindi nito inalis ang kamay niya sa bewang nito at sa bisig nitong nakasampay sa kanyang balikat.
"Wala po kayong magagawa," ang sambit ni Sarine ngunit magalang pa rin niyang sinagot ito. Hindi na ito sumagot pa at nagpaubaya na ito na akayin niya palabas ng restaurant.
"Sarine halika dito an gaming sasakayan," ang sabi sa kanya ni Mrs. Gayon at nauna ito sa kanila na maglakad para ituro ang sasakyan. Binuksan ni Mrs. Gayon backseat at muli ay dumuwal si Jewel. Huminto sila sa paglalakad at hinimas niya ang likod ni Jewel, binunot niya ang panyo sa kanyang bulsa at pinunasan niya ang bibig ng panganay na anak ni Mrs. Gayon na malaki ang disgust sa kanya.
"Kaya mo pa ba maglakad?" ang tanong ni Sarine kay Jewel na hindi na nagsalit at tumango na lang. dama ni Sarine ang panghihina ng katawan ni Jewel at ang kanina ay aayaw-ayaw na babae ay naglalakad na nakahilig sa kanya.
"Careful Jewel ang ulo mo," ang malumanay na sambit ni Mrs. Gayon sa anak nito nang maabit na nila ang backseat at maingat na ipinasok ni Sarine si Jewel sa loob.
BINABASA MO ANG
Spitting Image (romantic suspense) (Completed)
RomanceStrictly for mature readers only 18 and up! Please be guided! Si Martin Santos ay isang ex-convict, at pagkalaya niya ay nabigyan siya ng pagkakataon na makapag trabaho bilang isang janitor sa isang club. Pero pagkagising niya ay nasa hospital na...