Marahan na isinara ni Martin ang pinto ng banyo para makapaligo na siya at hindi pa rin naaalis ang ngiti sa kanyang mga labi. At mula iyun nang maging malapit siya sa anak ng taong hiniram niya ang katauhan. Mula nang tumira na siya sa bahay na iyun ay hindi na nawala ang mga niti sa kanyang labi. Yung ngiti na may tamis at totoo, hindi katulad noong nasa kulungan siya, ngumingiti man siya noon ay hindi katulad ng ngiti niya sa sandali na iyun na puno ng saya at pagmamahal. Oo mahal na niya ang batang si Zane at hindi iyun mahirap na gawin, kaya nga niya tuluyan na kinuha ang pagkatao ni Rodrigo ay dahil kay Zane.
Hinubad niya ang kanyang mga damit at hubo't hubad siyang pumasok sa loob ng shower area at binuksan niya ang knob para salubungin ng kanyang katawan ang maligamgam na tubig na nagmumula sa itaas.
Nakangiti pa rin siya habang sinasabon niya ang sariling katawan. Pero sa sandali na iyun ay hindi na si Zane ang laman ng kanyang isipan, kundi ang mommy nito.
Naalala niya ang magandang imahe nito pagpasok niya ng silid. Ang pagkakaupo nito sa kama, habang nakasandal ang likod nito sa headboard at nakatuppi ang mga tuhod nito malapit sa dibdib nito at may nakapatong na libro na mukhang paborito nitong basahin.
Napakaganda ni Sarine, at ang mga pekas nito sa mukha ang nagbigay pa rito ng kakaibang karakter, yung sexy ang dating. Hindi niya maitatanggi na may namumuo na atraksyon siyang nararamdaman sa batang asawa ni Rodrigo. Pero, asawa na rin niya ito sa sandaling pumasok siya sa loob ng pamamahay nito at angkinin ang katauhan ni Rodrigo.
Sampung taon man siyang hindi nakaranasa ng sex, ay ayaw naman niyang mapilitan lang si Sarine. Batid niya na may galit pa ito kay Rodrigo at kung mangyari man ang pagkakataon na iyun, ang mala-pantasya na pangyayari na iyun ay gusto niyang angkinin si Sarine na bukal sa loob nito at ito mismo ang kusang magbibigay ng sarili sa kanya. At nakahanda siyang maghintay, kahit pa sa tuwing titingnan niya si Sarine lalo pa ang mga pekas na palamuti nito sa mukha at leeg ay hindi niya mapigilan ang pagkalalaki niya na hindi magkaroon ng reaksyon.
"Mukhang matagal ka pang magtitiis junior ko," ang bulong niya sa sarili at saka niya napagtanto na wala pala siyang dala na damit nang pumasok siya sa loob ng banyo. Kinakailangan niyang lumabas ng banyo na nakatapis lang ng towel.
Bakit ba ang hirap para sa kanya na gawin ito? Ang lumabas na tanging tiwalya lang ang suot? Ang tanong niya sa sarili. Sa loob kasi ng sampung taon ay puro lalaki lang ang kasama niya, tapos nagkaroon nga siya ng kasama na babae ay hindi pa niya asawa.
Asawa mo na si Sarine! Ang paalala niya sa sarili, baka mahalata siya ni Sarine kapag nag-aalangan siya na lumabas na nakatowel naka towel lang, Diyos me! Nakita na nga nito ang pag-aari niya at sa sanadling iyun ay naalala niya na nagyayabang ang kanyang alaga na tila ba sumisigaw na, oo sampung taon akong birhen! Ang sigaw ng isipan niya.
Ikaw na si Rodrigo Martin, si Martin ay namatay na kasama ng Rodrigo na iyun, ang paalala niya sa kanyang sarili at saka niya hinila ang pinto ng banyo at humakbang siya palabas at naabutan niya si Sarine na nakapikit ang mga mata, natigilan siya sa kanyang paghakbang at nanatili ang kanyang mga mata na nakatitig sa imahe nito.
Ilang hakbang lamang ang pagitan nila, at kitang-kita niya ang makakapal na pamaypay na pilik-mata nito, at mula sa mga nakapikit nitong mga mata ay naglandas ang kanyang mga mata pababa sa namumula nitong mga pisngi na may pekas na palamuti hanggang sa matunton ng mga mata niya ang bahagyang nakabuka na mga bibig nito na sa tingin ni Martin ay ginagamit nito upang makahinga.
At mas naglakbay pa ang kanyang paningin pababa, at naabot na nito ang mga katamtaman na laki na mga dibdib nito, at napansin niya ang mabilis na pagtaas-baba ng dibdib nito at hindi rin nakawala sa kanyang mga mata ang tila mga pasas na bumukol sa manipis na t-shirt nito.
BINABASA MO ANG
Spitting Image (romantic suspense) (Completed)
Любовные романыStrictly for mature readers only 18 and up! Please be guided! Si Martin Santos ay isang ex-convict, at pagkalaya niya ay nabigyan siya ng pagkakataon na makapag trabaho bilang isang janitor sa isang club. Pero pagkagising niya ay nasa hospital na...