Naiwan na mag-isa sandali sa loob ng kusina si Sarine nang lumabas sandali ang kanilang dishwasher para manigarilyo lang daw sandali, at dahil sa nasa labas pa naman ang mga hugasin ay pinayaagn na muna ito ni Sarine. Siya naman ay nagsimula na rin na maglinis sa loob ng kusina, kahit pa hindi naman niya gawain ay nakasanayan na rin niya na tuwinang linisin ang kusina. Kumuha siya ng basahan at disinfectant at sinimulan na niyang punasan ang mahahabang working table para malinis at matanggal ang anumang mikrobyo. Palagian ang kanilang paglilinis at pag-disinfect ng paligid at mga gamit kahit pa noon na hindi pa nangyayari ang insidente sa birthday ni Jasper.
Natapos na niyang punasan ang isang lamesa nang makaramdam siya na may nakatingin sa kanyang likuran, habang nakadukwang siya sa mahabang lamesa at nagpupunas. Nandun ang pakiramdam na may nakatitig sa kanyang likuran kaya naman huminto siya sa kanyang ginagawa, tumayo siya ng tuwid at mabilis na pumihit ang kanyang katawan para harapin ang sa tingin niya ay pinanggalingan ng tingin at sa pintuan ay nakita niyang nakatayo ron si Eric at napasinghap siya sa gulat. Ang isang kamay niya ay napadpad sa kanyang dibdib tila ba sinalo nito ang kanyang puso na tumalon sa loob ng kanyang dibdib sa gulat.
"Hah," ang paglabas niya ng kanyang hininga ng kaluwagan, "ginulat mo ako, hindi ko naramdaman na bumukas ang pinto," ang saad pa niya kay Eric na nanatiling nakatayo sa pintuan at ngumiti ito sa kanya.
"Pasensiya na po, kadarating ko lang at naabutan ko nga po kayo na abala," ang sagot nito sa kanya at nagsimula na itong humakbang papasok sa loob ng kusina ng restaurant.
"Bakit nandito ka? Hindi ba, hindi kayo pinapasok ni sir ninyo?" ang tanong niya kay Eric na napansin niyang bitbit nito ang isang backpack sa likuran nito.
"Kagagaling ko lang po sa school, nagpalit po kasi ako ng schedule at free ako sa tuwing Lunes sa trabaho kaya pwede akong makapasok sa school tuwing Lunes, full load po ang kinuha ko, para makahabol ako at wala na akong mga back subjects," ang paliwanag nito sa kanya at tumango naman siya na may ngiti sa kanyang labi dahil sa paghanga niya sa pagpupursigi nito sa buhay na makatapos ng pag-aaral.
"Kamusta naman po ang event? Wala po bang nangyari na masama katulad noong nakaraan?" ang usisa nito sa kanya.
Kumunot ang kanyang noo. "uhm w"-
"Bakit mo tinatanong?" ang sabat ni Martin mula sa likuran ni Sarine na mabilis na nilingon ang asawa na mula sa dining area. Nakakunot ang noo nito at may talim ang mga matang nakatingin kay Eric at labis na ipinagtaka iyun ni Sarine dahil nang sandali lamang na iyun nakita ni Sarine sa asawa.
''Rodrigo?" ang pagbanggit niya sa pangalan ng asawa na mabilis na naglakad papalapit sa kanya at tumayo ito sa pagitan nila ni Eric nang nakapamewang sa mas nakababatang lalaki.
"Uhm wala naman po sir," ang nag-alangan na sagot ni Eric sa asawa, "gusto ko lang po kasi na makasigurado na okey po ang lahat hindi naman po sa nakikialam ako sir, nag-alala lang po," ang nahihiyang paliwanag pa nito.
"Bakit ka pala nandito?" ang muling tanong ni Martin kay Eric na mukhang naiilang na sa mga tanong ng asawa rito.
"Sir dumaan lang po sir, kagagaling ko lang po ng school eh dumaan na po ako, baka po kailangan ninyo ng extrang tulong"-
"Hindi na kailangan, sakto na ang mga kasamahan mo na nandito, pwede ka ng umuwi at magpahinga ka na, bukas ka na pumasok," ang sagot ni Martin na seryoso pa rin ang boses.
Inayos ni Eric ang strap ng suot nitong backpack na tila ba mahuhulog ito sa pagkakasabit sa likod nito. Tumango ito sa kanyang asawa.
"Opo sir, magandang gabi po, ma'am Sarine magandang gabi po, mauna na po ako," ang malumanay na pamamaaalm nito sa kanila.
BINABASA MO ANG
Spitting Image (romantic suspense) (Completed)
RomansaStrictly for mature readers only 18 and up! Please be guided! Si Martin Santos ay isang ex-convict, at pagkalaya niya ay nabigyan siya ng pagkakataon na makapag trabaho bilang isang janitor sa isang club. Pero pagkagising niya ay nasa hospital na...