"Bakit mo ako tinutulungan? Bakit ang bait mo sa akin?" Ang tanong ni Martin noon kay kuya Fred.
"Dahil naniniwala ako na hindi lahat ng nakakulong dito ay nagkasala," ang sagot nito sa kanya na may malungkot na ngiti sa labi nito.
"Pero guilty ako sa aking nagawa kuya," ang mariin niyang sagot at muli ay isangh malungkot na ngiti ang gumuhit sa mga labi nito at saka ito umiling.
"Marahil ay nagawa mo lamang ang bagay na iyun dahil sa iyong mga mahal sa buhay, ginawa mo para sa iyong mag-ina" ang sagot nito noon sa kanya na muling nanumbalik sa isipan ni Martin.
"Pero paano mo nasabi na anak mo si Sarine? At bakit napalayo siya sa inyo?" ang taka na tanong niya rito. At nakita niyang umangat ang mga palad nito sa mukha para pahirin ang mga luha sa pisngi nito.
"Ako ang may kasalanan, pero hindi ko sinasadya, I was scared and I was so young and I began to fell into depression nang dahil sa mga nangyari, sa isang iglap nawala ang lalaking pinakamamahal ko at sa halip na mahalin ko at ingatan ang aming anak ay nagawa ko siyang itapon, hindi ko alam ang ginagawa ko noon, ang natatandaan ko lang ay ayokong marinig ang mga iyak niya ang kanyang mga palahaw, tila mabibingi ako kaya naging duwag ako at naging masamang ina, nagawa ko na itapon ang sarili kong anak, ang anak namin ni Frederico," ang lumuluhang paglalahad nito sa kanya at dama ni Martin ang panaghoy ng puso ni Jewel. Panaghoy ng isang ina.
"Hindi ko alam kung mapapatawad ako ni Sarine, si Sarine na aking Frances," ang lumuluhang dugtong pa nito.
"Mapapatawad ka ni Sarine Jewel, busilak ang puso ni Sarine at maiintindihan ka niya, maniwala ka," ang giit niya kay Jewel na may ngiti ng pag-aalangan sa kanyang sinabi.
"Pero Jewel, ilang taon na ang lumipas paano mo nalaman na si Sarine ay ang anak mo na iniwan na si Frances?" ang taka na tanong niya sa babaeng nagsasabing ina ng babaeng pinakamamahal niya.
Hindi sumagot si Jewel, bagkus ang ginawa nito ay iniangat nito ang nakalugay na hanggang balikat nitong buhok at saka ito nagsalita.
"Dahil dito," ang sagot ni Jewel sa kanya at napasulyap siya rito para tingnan ang gustong ipakita nito sa kanya at doon ay kumunot ang kanyang noo bago namilog ang kanyang mata nang makita niya iyun sa leeg ni Sarine. Hindi katulad ng kay Sarine na natatakpan ng pulpos ng mga pekas nito sa mukha ang kay Jewel ay malinaw na malinaw ang balat na parang peklat sa leeg nito na hugis krus.
"Diyos ko," ang tanging nasambit niya. At sandali na namayani ang mga katahimikan sa kanilang dalawa nang marating nila ang parke at dali-dali silang lumabas para tingnan ang kabuuan ng maliit na parke halos tumakbo sila ni Jewel patungo roon. Nagpaikot-ikot sila at napangiwi na lamang si Martin nang wala siyang nakitang Sarine at Zane.
"Wala sila rito," ang nag-aalala na sabi ni Jewel sa kanya.
"Saan mo tingin sila nagpunta?" ang tanong ni Martin kay Jewel na napailing at kumunot pa ang noo nito sa kanya.
At sa labis na kaba ay nagitla siya nang mag-ring at mag-vibrate ang kanyang telepono sa loob ng kanyang harapan na bulsa ng kanyang pantalon. Dali-dali niyang binunot iyun at nakita niya ang pangalan ni Sarine at parang umangat ang mabigat na dinadala niya sa kanyang balikat. Mabilis niyang pinindot ang answer button.
''Sarine? Sarine?"! ang malakas na pagtatanong niya ngunit tahimik na sa kabilang linya at nag-redial siya pero out of service na ang paulit-ulit na umaalingawngaw sa kanyang tenga.
''Shit!" ang galit na sigaw niya at sinabunutan niya ang kanyang sarili dahil sa labis na pagkasiphayo.
"Rodrigo? Anong?" ang tanging nasabi ni Jewel sa kanya dahil sa umiling-iling na siya.
BINABASA MO ANG
Spitting Image (romantic suspense) (Completed)
RomansaStrictly for mature readers only 18 and up! Please be guided! Si Martin Santos ay isang ex-convict, at pagkalaya niya ay nabigyan siya ng pagkakataon na makapag trabaho bilang isang janitor sa isang club. Pero pagkagising niya ay nasa hospital na...