Tatlong katok mula sa labas ng pintuan ng opisina ni Rodrigo, uh hindi ng kanyang opisina, ang nag-alis ng kanyang atensyon sa binabasang mga papel na ibinigay sa kanya ni Sarine para pagbatayan ang mga kinita ng restaurant ng mga nakalipas na araw.
"Come in." ang sambit niya at umangat ang kanyang mga mata mula sa mga papel sa ibabaw ng lamesa para tingnan ang nasa labas ng pintuan.
"Sir Rodrigo, may naghahanap po sa inyo." Ang sabi ni Alvin nang sumilip ang kalahati ng katawan nito sa siwang ng nakabukas na pintuan.
"Sino raw?" ang matipid na tanong niya at muli niyang ibinalik ang mga mata sa piraso ng mga papel na nakalatag sa ibabaw ng kanyang lamesa.
"Mix and drinks company daw po," ang sagot ni Alvin at iyun ang nakakuha na ng kanyang buong atensyon, iyun kasi ang hinihintay niyang kausap na supplier ng alak.
"Let her in please," ang sagot niya kay Alvin at itinabi na niya ang mga papeles na makalatag sa lamesa para ibalik iyung muli sa loob ng folder.
"Tuloy na po kayo," ang nakangiting sabi ni Alvin at itinulak pa nito ng husto ang pinto para pagbuksan ang kanyang hinihintay na kausap. At mula sa labas ay pumasok sa loo bang isang magandang babae.
"Good morning!" ang bati nito sa kanya habang naglalakad ito palapit. Tumayo siya mula sa kanyang swivel chair para batiin ang babaeng tila lumabas sa isang fashion magazine. May pagindayog ang balakang nito habang humahakabang ang mahahaba nitong mga binti. She's tall at dahil sa mataas na sandalyas na suot nito ay mas lalo pa itong tumangkad at halos umabot na ito sa taas niyang 6'3''.
Ang buhok nitong nakatali ng mataas kaya naman litaw na litaw ang maganda nitong mukha. Makinis ang balat nitong sing-puti ng gatas at at ni isang nunal ay walang makikita sa balat nito lalo na sa mukha. Flwaless kung tatawagin, pero walang character at walang dating na katulad ng kay Sarine.
Sarine, oo, iyun ang maganda para kay Martin, ang sabi ng isipan nito.
"Good morning!" ang magiliw din naman niyang sagot dito at inilahad niya ang kanyang kanan na braso para makipagkamay sa inaasahan niyang kausap tungkol sa inuming interisado niyang bilhin para sa menu ng asawa.
Inabot ng babae ang kanyang kamay at nadama niya ang lambot ng palad nito, hindi katulad ng mga kamay ni Sarine na malambot man ay may igting ang mga ito na alam mo agad ay iyun ay mga mapag-aruga at mapagmahal na kamay ng isang ina at asawa.
"Miss Carla Serrano," ang pagsuplay nito ng pangalan para sa kanya, mabilis niyang kinamayan ito at binawi na niya ang kanyang kamay. Agad na nanuot sa kanyang ikong ang samyo ng pabango nito na halatang mamahalin. Pero para kay Martin ay ordinaryong amoy lamang iyun na hindi katulad ni Sarine na amoy ng init ng pagmamahal sa pamilya nito.
"M-my name's Rodrigo Diaz," ang saad niya at muntik pa siyang magkamali ng sasabihin na pangalan.
"I know, sino ba ang hindi nakakakilala kay Mr. Rodrigo Diaz? Lalo na recently when you made a news sa television abot your car accident," ang sagot nito sa kanya at tila nailang si Martin dahil kung umasta si Miss Carla Serrano ay kilala siya nito ng personal. She sounded personal, tila ba acquaintance niya ito at casual lang sila na mag-uusap.
"Uhm sorry about that," ang tanging naisagot niya. "Please have seat Miss Serrano," ang magalang niyang sabi rito at napansin niya na tumaas ang isang kilay nito tila ba naaliw ito sa kanya.
"Thanks," ang matipid na sagot nito gamit ang boses nitong malapot na tila isang pulot. Muli siyang naupo sa kanyang swivel chair at sinalubong niya ang mga mata nitong tila ba inuusisa siya.
"Uhm, so tulad ng napag-usapan enatin about sa Uncle Crocker Spiced Apple Rum na kukunin namin sa company mo, paano ba ang pricing?" ang tanong niya rito at muling nagtaas ito ng kilay sa kanya na tila ba hindi iyun ang inaasahan nitong mga salita na marinig sa kanya.
BINABASA MO ANG
Spitting Image (romantic suspense) (Completed)
RomansaStrictly for mature readers only 18 and up! Please be guided! Si Martin Santos ay isang ex-convict, at pagkalaya niya ay nabigyan siya ng pagkakataon na makapag trabaho bilang isang janitor sa isang club. Pero pagkagising niya ay nasa hospital na...