"Apo halika rito," ang masayang sabi ni kuya Fred o Frederico kay Zane nang bumalik doon sina Martin at Sarine kasama si Zane na sa unang pagkakataon na makikita ito at si Jewel na sa loob ng mahigit dalawang dekada ay nagkita na muli ang dalawa na noon ay nagmahalan at pinaglayo ng tadhana.
"Bless kay lolo," ang sabi ni Martin kay Zane na hindi naman nag-atubili na lumapit kay kuya Fred para magmano rito. tila namangha si Zane sa lugar at ni hindi ito kinakitaan ng panghuhusga sa mga batang mata nito.
"You live here lolo?" ang tanong ni Zane na kumandong na kay kuya Fred.
"Yes apo, why?" ang tanong ni kuya Fred sa anak nila ni Sarine.
"Its cool," ang nakangiting sagot nito, "but lolo we want you to live with us," ang ngumuso na sabi ni Zane at isang matipid na ngiti ang isinagot lamang ni kuya Fred na mukhang di alam kung papaano sasagutin ang tanong ni Zane.
"Zane, lolo will be with us soon," ang sabat naman ni Martin para hindi na mahirapan si kuya Fred na sagutin ang tanong ng anak.
"Oh I'm so excited lolo," ang sagot ni Zane at mahinang tawanan ang sandaling namayani sa kanila.
"Uhm tay, pasensiya na po kung hindi na po namin kayo nahintay nang magpakasal kami ni Martin," ang malumanay at nahihiyang sabi ni Sarine sa ama nito.
"Oo nga po kuya Fred, gusto ko na kasi na maging legal na asawa ko na si Sarine lalo pa at three months na ang tiyan niya," ang nahihiyang sabi ni Martin sa lalaking tumulong ng malaki sa kaniya. At labis ang pasasalamat niya sa Diyos at walang oras na hindi siya nagpapasalamat para sa buhay na ibinigay Nito sa kanya. Siya na ang pinakamasaya at pinakaswerteng lalaki sa buong mundo.
"Pfft, ano ba iyan, bakit kuya Fred pa rin ang twag mo sa akin? Tatay na dapat!" ang kunwaring galit na sabi ni kuya Fred kay Martin na napangiwi na lamang ang mga labi.
"Uhm tatay, maiwan po muna kayo namin ni nanay, gamitin nyo po ang pagkakataon na ito para makapag-usap kayong dalawa," ang saad ni Sarine at tumayo na mula sa kanilang kinauupuan sina Sarine at Martin at isinama na rin nila si Zane na ayaw pang umalis sa lolo nito.
"Kamusta ka na?'' ang tanong ni Jewel kay Frederico na hindi pa rin nagbabago ang sanhi nito sa kanyang pulso at puso sa tuwing makikita niya ito. Medyo nagka-edad na ito pero nanatili pa rin ang kakisigan nito at para kay Jewel ito pa rin ang pinakamagandang lalaki para sa kanya.
"Mabuti naman ako rito, ikaw? Kamusta ka? Maganda ka pa rin," ang nakangiting sabi ni Frederico at hindi napigilan ni Jewel na mag-init ang kanyang mga pisngi at para siyang seventeen years old ulit na kinikilig.
"Ikaw talaga binobola mo na naman ako," ang nahihiyang sabi ni Jewel at isang mahinang tawa ang isinagot ni Frederico. Pero biglang pumatak ang luha ni Jewel at nag-alala si Frederico.
'Jewel?"
"Patawarin mo ako Frederico? Patawarin mo ako at kung hindi dahil sa akin ay wala ka rito," ang lumuluhang sambit ni Jewel at tumayo si Frederico sa kinauupuan nito at naupo ito sa silyang kanina lamang ay inokupahan ni Sarine.
"Hindi mo kailangan na humingi ng tawad sa akin Jewel, lahat ay gagawin ko para sa iyo," ang sambit ni Frederico at natunaw ang kanyang katawan sa mahigpit nitong yakap.
"Naging duwag ako, naging duwag ako kina mommy at Jasper," ang lumuluhang sambit ni Jewel.
"Shhh, nagdurusa na sila sa kulungan Jewel, at hindi magtatagal ay mahahatulan na rin sila at tuluyan nang hindi na makakalabas sa kasong kidnapping at murder," ang sagot ni Frederico at pinahid ng mga palad nito ang luha sa mga pisngi ni Jewel.
"Hindi ko nagawang dalawin ka dahil sa, alam kong magagalit ka sa akin kapag nalaman mong iwinala ko si Frances, natatakot akong makita ko ang poot sa mga mata mo, hindi ko sinasadya Frederico hindi ko sinasadya na iwan si Sarine ang ating Frances," ang lumuluhang saad pa rin nito.
BINABASA MO ANG
Spitting Image (romantic suspense) (Completed)
RomansaStrictly for mature readers only 18 and up! Please be guided! Si Martin Santos ay isang ex-convict, at pagkalaya niya ay nabigyan siya ng pagkakataon na makapag trabaho bilang isang janitor sa isang club. Pero pagkagising niya ay nasa hospital na...