chapter 33

1.2K 87 59
                                    


Sinabi mo iiwan mo na siya! Nangako ka! Ngayon magbabayad ka! Hindi ako papayag na iwan mo ako basta-basta! Ang text message na kanyang natanggap. Hindi pa rin maalis sa isipan iyun ni Martin, batid niyang ang text message na iyun ay mula sa kalaguyo ni Rodrigo na kung pagababatayan ang text message ay mukhang iniwan na ito ni Rodrigo kaya naman galit na galit ito sa kanya at gustong idamay pa si Sarine.

At walang ibang nasa isipan si Martin kundi si Nelly. Ito lamang ang malakas ang loob na lumapit sa kanya at nagpakilalang ex niya, ang sabi ni Martin sa sarili. Wala pa lamang siyang ebidensiya, pero kapag nagkataon na malaman niya na ito ang gumagawa ng lahat ng ito pati ng pagbabanta ay lintik lang ang walang ganti, handa siyang baliin ang ipinangako niya kay kuya Fred at bumalik sa kulungan alang-alang kay Sarine.

Pinisil niya ang buto ng kanyang ilong sa pagitan ng kanyang mga mata, at mariin niyang ipinikit ang talukap ng kanyang mga mata at saka siya kumurap-kurap. ilang araw na ang lumipas mula ng nangyaring insidente sa restaurant pero dama pa rin ang impact nito sa kanila.

Nabawasan talaga ang mga kumakain sa kanilang restaurant at ang araw na dapat malakas nilang araw ay naging matumal. Nagpasya na nga si Martin na gawing day-off ng lahat ang araw ng Lunes hindi lang para makapahinga ang mga tauhan nila kundi mabawasan na rin sa operating expenses dahil nga sa bumaba ang kanilang sales, kaya naman nasa opsina siya sa sandaling iyun sa kanilang bahay dahil sa gumawa siya ng bagong operating expenses ng restaurant para makasabay sa nararamdaman na katamlayan sa kita. Nag-iisip na rin siya ng paraan para muling gumanda ang kanilang imahe at muling umangat at maging kilala ang kanilang kainan.

Napabuntong-hininga siya, hindi man nagpainterview at nagreklamo ang mga Gayon, pero hindi naman nakatulong ang ginawa ni Nelly na nagbigay ng mga innuendoes o pahaging na statements sa mabilis na interview nito sa labas ng hospital, hindi man tahasan na sinisi nito ang Diaz, pero tila may kasalanan pa rin sila.

Malakas talaga ang kutob ni Martin na si Nelly ang may kontak sa journalist na iyun, isa itong vlogger at marami rin itong mga kakilala, maaaring sinabihan nito ang isang babaeng hayok sa balita. Kaya naman ang isang hayok sa paghihiganti at ang hayok sa balita ay nagsama ay siguradong pagkalugi ang kalalabasan sa kanila.

Isang buntong-hininga na namana ng kanyang pinakawalan, at muling pinisil niya ang kanyang ilong. Saka niya tiningnan ang oras sa wall clock na nakasabit sa kulat asul-puti na patayong linya na disenyo ng wallpaper ng pader.

Alas kwatro na ng hapon, bukas ay tatawagan na niyang muli ang kanilang mga suppliers para magbawas ng mga deliveries.

Muli niyang naisip ang mga rum na kaniyang inorder, sa tagal kasi na panahon na nag-operate ang Diaz at noon lang nagkaroon ng pagsusuka na insidente ang restaurant. Pero hindi naman niya masabi na sa laman ng bote nanggaling ang Ipecac, dahil nakaseal ang boxes at pati na rin ang lahat ng bote, kaya malabo rin na sa bote ng Uncle Crocker nanggaling ang Ipecac, ang sabi ng isipan ni Martin.

Gusto na sanang ipagpalipas ng isipan ang nangyari na isa lamang iyung, single case ng pranking, at na-prank ang karamihan sa bisita at pati na ang kanilang restaurant. Kahit hindi nakakatuwa ay prank lang, ang mariin na sabi ng isipan ni Martin.

Pero hindi ganun kadali ipagsawalang-bahala ang lahat kung hindi siya nakatanggap ng text message na mukhang galing sa estranged mistress or ex- girlfriend, na may bahid ng paghihiganti, hindi alam ni martin ang extent ng pagkabaliw at paghihiganti ng babaeng iyun.

Isinara na ni Martin ang takip ng libro, at saka niya pinatay ang desktop na nasa kanyang harapan. Maayos niyang itinabi ang kanyang mga ginamit na papel at ballpen at saka siya tumayo.

Spitting Image (romantic suspense) (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon