chapter 31

1.3K 84 65
                                    


'Sir? Mr. Rodrigo Diaz? Pwede po ba na makakuha sa inyo ng kahit maikling interview lang? sagot lang po sa mga paratang tungkol sa food poisoning na nangyari a few days ago marami na po kasing speculations about the incident?" ang maraming tanong ng isang reporter na naghihintay sa labas ng kanilang restaurant nang umagang iyun. Inihatid na nina Martin at Sarine ang anak na si Zane sa school nito.

Umiling ang ulo ni Martin at mahigpit niyang hinawakan ang kamay ni Sarine at mabilis niyang hinila ito palapit sa kanya para akbayan ang malikat nito at ipinatong niya ang kanyang kamay sa ulo ng asawa na halatang natatakot sa mga tanong ng reporter. Nagmamadali silang naglakad palapit sa backdoor ng restaurant at mabilis niyang binuksan ang pinto at dali-dali niyang pinauna na makapasok sa loob ng kusina si Sarine na nanatili na tahimik at tikom ang bibig.

Pagkatapos ng nangyaring insidente ay isang araw na nanatili muna na nakasara ang restaurant nila para makapahinga ang lahat at lumipas ang nangyari na insidente. Ngunit mabilis naman na kumalat ang balita sa telebisyon at social media ang nangyari. Wala pa silang nakausap na tauhan ng kanilang restaurant patungkol doon, kaya naman balak niyang kausapin ang mga ito na walang magsasalita patungkol sa nangyari.

Pero hindi na siya nagulat, kung nakatanggap siya ng tawag noong isang araw sa isang tao na mukhang malaki ang galit sa asawa, at sa tingin niya ay isa sa mga sidechicks iyun ni Rodrigo na target ay siraan ang asawa.

At muli niyang naisip ang nangyaring insidente sa hospital, ang pagkapigil ng kanyang hininga nang may nag-alis ng oxygen at nagtakip sa kanyang mukha. Ano bang nangyari? Bago ang aksidente sa buhay ni Rodrigo at mukhang pinaghihigantihan ito at si Sarine ang puntirya nito.

"Sarine okey ka lang?" ang nag-aalala niyang tanong kay Sarine pagkasara niya ng pinto ng backdoor. Pinagmasdan nito nang yakapin ng sarili nitong mga bisig ang sarili. Humakbang siyang palapit rito at inilagay niya ang kanyang mga kamay sa magkabila nitong mga braso at tiningnan niya ang mata mga mata nitong halatang may mga agam-agam at takot.

Tumango si Sarine at matipid na ngumiti, batid ni Martin na pinipilit lamang ni Sarine na itanggi ang tunay na nadarama, ngunit hindi kayang ikaila iyun ng mga mata nito.

"Siguro kailangan ko na sumagot?" ang tanong ni Sarine sa kanya at kumunot ang kanyang noo sa asawa. At mabilis na umiling ang kanyang ulo, hindi kailangan na sumagot ni Sarine sa mga paratang na iyun, lalo pa at hindi pa lumalabas ang clinical toxicology result.

"Sarine, my, hindi mo kailangan na sumagot, kung kinakailangan man na sumagot tayo sa mga paratang nila ay ako ang gagawa niyun, at saka tulad nga ng sinabi ko hindi pa kailangan hanggat walang resulta na ang sanhi ng biglaan at madalian na pagsusuka nila ay dahil sa ating pagkain," ang mariin na sabi ni Martin kay Sarine na hindi muna sumagot at nanatili na may agam-agam sa mga mata nito.

Inipit niya ang mga pisngi ni Sarine at tinitigan ang mga mata nito, at isang matamis na ngiti ang ibinigay niya sa babaeng kanya nang labis na iniibig at inangkin.

Hindi siya papayag na may manakit dito, pisikal at emosyonal man, iyun ang ipingako niya at batid niya kung bakit, binigyan siya ng pangalawang pagkakataon at iyun ay hindi lamang para magbago kundi para mahalin at protektahan ang babaeng nagbibigay kulay sa kanyang pangalawang buhay.

"Huwag kang mag-alala, malilinis din ang pangalan natin, hmmm? Malalaman na hindi pagakin ang dahilan ng pagsusuka nila, huwag ka ng mag-alala hmm mahal ko? Nalulungkot din ako kapag malungkot ka," ang malambing niyang sambit kay Sarine at inilapit niya ang kanyang mga labi sa labi ni Sarine at matamis niyang hinagkan iyun. Puno ng pagmamahal at pangako na hinding-hindi niya pababayaan si Sarine.

At ang matamis at marahan na halik ay nagpaulit-ulit, mula sa pagdampi-dampi ng kanilang mga labi ay nagpatuloy ang pangungusap ng kanilang mga labi hanggang sa naging mas maalab na ang palitan ng kanilang mga labi. Unti-unti nang bumubuka ang kanilang mga labi na may marahan na pagsipsip. Nagpabaling-baling ang kanilang mga ulo habang habang nag-uurong-sulong ang kanilang mga labi sa isa't isa.

Spitting Image (romantic suspense) (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon