Chapter 8

1.1K 87 64
                                    

Humakbang palabas si Martin ng palikuran na panlalaki. Kinakabahan man sa kanyang gagawin na pagpapanggap na tila ba isa na namang krimen ang kanyang gagawin. Pero inisip na lamang niya ang pera na kapalit nito at ganun na rin ang dahilan nito kung bakit nito gagawin ang pagkukunwari ay para sa isang sorpresa na ibibigay para sa pamilya.

Humakbang na siya papalapit sa hall at naalala niya ang sinabi ni Rodrigo sa kanya, na kailangan niyang lapitan ang lalaki na nakaupo sa sulok na may letrang C na sofa at agad naman na nakita ni Martin ito dahil na rin naman sa ilang araw na niyang paglilinis ng loob ng bar ay alam na niya halos ang apat na sulok ng club.

"Oh? Langya naman Rodrigo! T*ng na, ang tagal mo namang magj*kol sa loob! Sabi ko naman sa iyo na tatawagan na kita ng babae," ang angal nito sa kanya at bahgya siyang nagulat sa sinabi nito. Bakit naman bibigyan nito ng bababe si Rodrigo? Ang tanong ng kanyang isipan, pero nawala na iyun, nang maalala niya ang kailangan niyang gawin kaya siya dumaan muna roon.

Mayabang. Umasta kang mayabang, ang paalala niya sa sarili habang nakatayo siya sa harapan nito. At naalala niya ang mga galawan sa loob ng kulungan, ang maaangas na galaw ng mga preso sa loob, ang maangas na galaw ni kuya Fred.

"Eh ano ngayon kung kung matagal akong nag-j*kol, reklamador ka masyado, hindi ko kailangan ng t*ng *nang babae mo, aalis na ako, o t*ng *na ka, lunurin mo sarili mo diyan!" ang mayabang sagot niya at inihagis niya sa ibabaw ng lamesa ang kumpol ng pera na iniabot sa kanya kanina ni Rodrigo para ibigay sa lalaking naka-upo sa sofa sa kanyang harapan.

"Saan ka pupunta?"! ang gulat na tanong nito nang humakbang na siya papalayo rito para lumabas na siya ng club.

"Titirahin ko misis ko," ang sagot niya rito na ikinagulat ng lalaking nakaupo sa sofa.

"High ka na nga!" ang malakas na sabi nito sa kanya at napailing na lang siya at hindi na siya lumingon pa para kausapin ito dahil sa kailangan na niyang makalabas ng club at magtungo sa harapan ng sasakyan nito kung saan sila magkikita.

***

Fuck kailangan talaga niyang magkunwari na nagma-mop sa pesteng kubeta na iyun! If he wasn't looking for a good slurp on his dick, hindi niya ito gagawin! Ang inis na sabi niya sa kanyang sarili.

Isinandal na niya ang mop sa pader, wala siyang pakialam kung may madapa pa sa basahan, hindi niya trabaho ito, gusto na niyang makalabas sa toilet na iyun! Paghila niya ng pinto ay may isang mestisong lalaki na matanda ang nakasalubong niya pagkalabas niya ng toilet at sa reaksyon ng mukha nito ay nagulat ito nang makita siya.

Kilala niya ba ito? Ang tanong niya sa sarili at kumunot pa ang kanyang noo.

"Oh Martin bakit nandito ka? Off mo hindi ba?" ang takang tanong nito sa kanya.

"Paalis na nga ako, umihi lang ako, bukas na ako babalik," ang sagot niya rito at saka siya humakbang papalayo rito at hindi niya nakita ang kunot na noo ng matandang foreigner na nakasunod ang mga mata sa kanya na may labis na pagtataka.

Mabilis siyang naglakad palabas ng club at napataas ang kanyang kilay habang naglalakad siya palabas ng main door ng club.

Langya na iyun ah, mas malaki ang paa sa akin ibig sabihin mas malaki ang kargada nito sa kanya? Ang di makapaniwala na tanong ni Rodrigo sa sarili habang naglalakad na siya palapit sa kanyang sasakyan, at doon nga ay naabutan niya itong nakatayo sa tabi ng driver side.

"Alis diyan ako ang magdi-drive," ang utos niya rito at biglang bumaba ang kanyang mga mata sa harapan ng zipper nito para tingnan kung mas maambok nga ang kargada nito sa kanya.

"Akala ko ba, magpapanggap ako na ikaw?" ang taka na tanong nito sa kanya.

"Huh, masyado kang excited ano? Halatang excited ka na mamuhay na katulad ko," ang mayabang na sagot niya at nakita niyang tumiim ang mga labi nito. At iniabot muna nito ang susi sa kanya at saka niya pinindot ang remote para mag-unlock ang pinto ng sasakyan at mabilis siyang sumakay sa loob at kasunod naman niya si Martin na sumakay sa passenger side.

Spitting Image (romantic suspense) (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon