Sa taxi sila sumakay na tatlo para ihatid sila papunta sa restaurant, hindi niya alam kung hanggang kailan sila magtataxi na lang dahil nga sa nawasak ang sasakyan nito at hindi pa napapalitan. Pero, hindi na importante iyun para kay Sarine, kahit pa siguro sa kariton lamang sila nakasakay ang importante ay ang makita niya ang saya sa mukha ng anak.
Halos mahulog ang kanyang panga nang sabihin ni Rodrigo na isasama nila ang anak na si Zane. Talaga ba na seryoso na ito sa sinabing bigyan niya ito ng pagkakataon na makapag-bago? Talaga bang ibang Rodrigo na ang gumising at lumabas ng hospital? Hahayaan niya ba na pagkatiwala muli ang kanyang puso rito? Ang mga tanong ng kanyang isipan, habang pinagmamasdan niya si Rodrigo na nakaupo sa passenger side at nakatanaw sa labas ng bintana. Napansin niya na palinga-linga ito sa paligid, sa labas na tanaw ng mga mata nito. Kaiba ito sa dating Rodrigo na suplado ang dating kahit sa pagkkaupo nito sa loob ng sasakyan, hindi ito palinga-linga, tumitingin lamang ito sa mga salamin para tingnan ang mga kasunod na sasakyan at kahit pa nakahinto ang sasakyan nito ay diretso lamang ito na nakatingin sa harapan ng kotse at hindi katulad ng Rodrigo na kasama nila sa sandali na iyun. Palinga-linga ang ulo nito at tila ba isang batang maliit na ngayon lamang nakita ang paligid. Kung magdidikit siguro ito at si Zane na nasa kanyang tabi ay parehong malikot ang dalawa sa upuan dahil sa palinga-linga rin ang anak sa paligid.
"Zane, huwag malikot," ang saway niya sa anak na nakaluhos sa upan ng backseat at nakahawak ang kamay nito sa pinto ng backseat habang nakatanaw ito sa labas.
"Oh, sorry mommy I forgot," ang sabi ni Zane sa kanya at lumabi pa ito saka ito umayos ng upo sa kanyang tabi at mukhang narinig ni Rodrigo ang kanyang sinabi dahil lumingon ito sa kanila at isang ngiti ang iginawad nito sa kanya na nagpahinto ng kanyang hininga at tumigil iyun sa kanyang lalamunan.
"Okey lang Sarine, hayaan mo na lang si Zane, hindi naman natin mapipigilan ang bata na maglikot, saka nandiyan ka naman sa tabi niya, hindi siya masasaktan, diba my little super hero?'' ang sabi ni Rodrigo sa kanya at ang huling saad nito ay sa anak naman nila nakatuon, kaya naman isang malapad na ngiti na abot hanggang sa magkabilang tenga ng anak ang gumuhit sa mukha ni Zane.
"Thanks daddy," ang sabi nito sa ama na inabot ng kamay nito ang ulo ng anak para guluhin ang buhok nito.
"You are welcome, but say 'salamat mommy'," ang malumanay na utos nito sa anak at humarap naman si Zane sa kanya at isang matamis at malambing na ngiti ang iginawad sa kanya nito bago ito nagsalita.
"Salamat mommy," ang malambing na sabi ni Zane sa kanya at niyakap niya ito ng mahigpit.
"Walang anuman anak, sige na maari ka ng tumingin sa labas," ang sabi niya rito at muling bumalik ito sa pagkakaluhod sa upuan at tumanaw ang mga mata nito sa labas at napasulyap siya kay Rodrigo na nanatiling nakatingin sa kanya at tila isang kuneho ang kayang puso na lumukso sa loob ng kanyang dibdib at isang nahihiyang ngiti ang isinagot niya rito.
It really took his breath away, ang sabi ng isipan ni Martin nang sa unang pagkakataon ay nakita niya ang ngiti ni Sarine, hindi para sa anak kundi para sa kanya. Para bang hindi lang puso niya ang tumigil sa pagpintig kundi pati ang baga niya ay tumigil sa paglangahp ng hangin.
Ang ngiti na iyun na matipid man ay may buhay at hindi pilit, tila ba pinigilan pa nga nito na ibigay ng todo ang ngiti para sa kanya. Pero, hindi na bale, alam niya na darating ang panahon na ang ngiti nito ay kusa na nitong ibibigay sa kanya, ang sabi niya sa sarili na ikinagulat niya.
Kumurap-kurap siya at muli niyang ibinalik ang kanyang paningin sa labas ng bintana. Bakit niya naisip iyun? Ang tanong niya sa sarili habang pinagmamasdan ang abalang kalsada sa labas ng sasakyan.
Ibig sabihin ba na, nagkakagusto na siya sa asawa ng lalaking hiniram niya ang katauhan? Ang tanong ng kanyang isipan.
Hindi naman malayong mangyari iyun, si Sarine ay hindi mahirap mahalin, sa ilang araw pa lamang na nakasama niya ito at nakita kung paanong asikasuhin nito ang anak at siya bilang asawa.
BINABASA MO ANG
Spitting Image (romantic suspense) (Completed)
RomanceStrictly for mature readers only 18 and up! Please be guided! Si Martin Santos ay isang ex-convict, at pagkalaya niya ay nabigyan siya ng pagkakataon na makapag trabaho bilang isang janitor sa isang club. Pero pagkagising niya ay nasa hospital na...