Chapter 17

1.1K 87 29
                                    

Halos naubos ang oras ni Martin sa pagbabasa sa mga resibo, expenses, at mga kailangan na bayaran. Nakalatag ang mga iyun sa mahabang lamesa ng office desk ni Rodrigo.

Madali lang naman iyun para sa kanya, dahil na rin sa marketing department siya noon at minsan na rin siyang nakapag-trabaho sa finance department ng kanilang kumpanya bago pa siya gumawa ng kalokohan o nang i-scam ng pera.

Tama naman ang resibo sa mga pera na inilatag ni Sarine sa kanyang lamesa na nakalagay pa sa mga kulay itim na strin bag at may masking tape na nakadikit rito na may nakasulat kung anong date nakalap ang pera na iyun.

Pinag-aralan din niya ang mga expenses gamit ang pad at ballpen ay gumawa siya ng columnar para mahati niya ang mga expenses sa bawat araw, para mas madali niyang mabasa.

At saka naman niya isa-isang binasa ang mga kumpanya na kailangan nilang bayaran, mga bayarin iyun na naiwan ni Rodrigo nang maaksidente ito, hindi pa niya alam ang sistema ng bayaran, kung weekly ba silang nagbabayad o kinsenas-katapusan o di kaya naman kada katapusan ng buwan.

Siguro kailangan na lang niyang tanungin si Sarine ukol doon, ang sabi niya sa sarili. Nagtaka rin siya kung bakit hindi binigyan ni Rodrigo ng pagkakataon si Sarine na maturuan ito sa mga ganun na bagay at kung bakit pati ang pagdedeposito ng pera ay di nito hinayaan na gawin ng asawa?

Malupit ba si Rodrigo kay Sarine o sadyang mahigpit lamang ito sa pamamahala ng restaurant nito? Ang tanong ni Martin sa sarili.

Maayos niyang itinabi ang mga papeles at itinapon niya ang ibang mga papel na ginamit niya para mag-ensayo. Oo. Mag-ensayo kung paano gayahin ang pirma ni Rodrigo na kumain ng kanyang oras sa maghapon. Hindi niya alam kung perpekto na ang kanyang ginawang panggagaya at malalaman iyun kung may kumuwestiyon sa kanyang pirma at dahil sa kagagaling pa lamang niya sa aksidente mukhang madali pa muna niyang malulusutan iyun.

Muli niyang sinimulan ang pagpirma nang may kumatok sa labas ng kanyang pintuan. Naghintay siya na may pumasok pero nanatili na nakapinid ang pinto.

Itinulak ng kanyang mga paa ang swivel chair at tumayo siya mula roo saka siya dahan-dahan na naglakad palapit sa pintuan at hinila niya iyun pabukas, at naabutan niya si Sarine na pahakbang na sana palayo sa pintuan.

"Sarine?" ang malumanay na pagsambit niya ng pangalan nito. At huminto ito sa paghakbang palayo at lumingon ito sa kanya.

"Uhm, malapit na ang hapunan, kailangan ko na rin na bumalik sa restaurant mamaya kung pwede sana na iwan ko si Zane sa iyo?" ang nag-aalangan na tanong nito sa kanya at ipinagtaka niya ang pagtatanong nito, bakit kailangan pa na humingi ng pahintulot nito sa pagbabantay niya sa anak nila.

Bahagyang umiling ang kanyang ulo at kumunot ang kanyang noo bago siya sumagot.

"Oo naman, bakit naman hindi?" ang taka na tanong niya at nakita na naman niya ang pagtataka sa mga mata ni Sarine.

"Uhm sige maya-maya ay nakahanda na ang lamesa para sa hapunan," ang mabilis na sagot nito sa kanya at mukhang kakaripas na naman ito ng takbo papalayo katulad kanina para umiwas.

Oo alam niyang umiwas ito sa kanya kanina habang kumakain sila sa kusina at hindi niya alam kung bakit.

"Nasaan si Zane?" ang tanong niya rito at napansin niyang kumurapkurap ito.

"Nasa kwarto nito nanonood ng paborito nitong cartoons," ang sagot nito sa kanya.

"Uh Sarine pwede ba kitang makausap sandali sa loob? " ang mga tanong niya bago ito muling humakbang ito papalayo.

Napansin niya na namula ang pisngi nito at mas lalong tumingkad ang mga pekas nito sa mukha.

"T-tungkol saan?" ang nautal na tanong nito sa kanya at napansin niya ang magkadaop nitong mga kamay na pinipisil ang bawat daliri ng mga ito.

Spitting Image (romantic suspense) (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon