Chapter 4

1.3K 88 21
                                    

Hindi maalis ang ngiti sa kanyang mga labi habang pinagmamasdan niya ang masayang mukha ni Zane, habang naglalaro ito sa isang maliit na playground sa isang parke na malapit lamang sa pinapasukan nitong pribado na paaralan. Hinayaan niyang makipaglaro ito sa iba pang bata na naroon. May bago itong kalaro, isang batang lalaki rin na ngayon din lang nakita ni Sarine na nagtungo sa palaruan na iyun. Masayang nag-uusap ang dalawa at mas madalas ang malalakas na tawanan ng mga ito. Pawis-pawisan man na si Zane ay hinayaan lang ito ni Sarine, hindi naman kasi araw-araw na nagagawi sila sa palaruan na iyun, at sa tuwing hindi siya kailangan sa kusina ng restaurant. At dahil sa nagawa naman na niyang lahat ang mga kailangan niya sa restaurant ay tinupad nga niya ang kanyang ipinangako sa anak.

Maya-maya ay may lumapit na isang matandang babae sa isa sa mga parke bench hindi kalayuan sa kung nasaan siya. Napansin niya ang babae dahil sa magandang pananamit nito. Yung nakikita niya sa mga magasin? Napakadisente nito. Ang kulay navy blue nitong dress na may malalaking butones sa harapan ay nakahulma sa bakingkinitan nitong katawan. May edad man ito ngunit litaw pa rin ang angkin nitong ganda, tila ba nasa fifty o sixty years old na ito dahil na rin sa kakikitaan ng nga kulay puti ang nakapusod nitong buhok. Mahinhin itong naupo at inilapag ang kulay itim na bag nito sa tabi, may kukunin sana ito sa loob ng bag nang mapalingon ito sa kanya at tumaas ang mga kilay nito na at sa ekspresyon ng mukha nito ay, mukhang nakilala siya nito. Pero, hindi niya matandaan na nakita niya ang matandang babae. Iniwan nito ang batang lalaki na kasama si Zane at naglakad ito palapit sa kanya at may malapad ng ngiti sa mga labi nito.

“Hi!” ang bati nito sa kanya habang nakatayo ito sa kanyang harapan at siya naman ay nakaupo sa isang park bench. At doon na niya napansin ang kaunting pekas sa mukha nito.

Bakit maganda sa babaeng ito ang pekas? Bakit sa kanya ay pangit at hindi makinis? Ang tanong ni Sarine sa sarili.

“Uh hi,” ang nag-aalangan na bati niya rito habang nakataas ang kanyang mga mata para tingnan ito.

“You’re Mrs. Diaz? I mean asawa ni Rodrigo Diaz na may-ari ng Diaz Bar and Grill?” ang tanong nito sa kanya. Tumangu-tango siya at ngumiti sa matandang babae na sa malapitan ay ubod ng ganda. Maamo ang mukha nito at malumanay ang boses.

“Opo, ako nga po,” ang kanyang sagot at mas nagliwanag pa ang mukha nito.

“I’m Nancy Gayon,” ang pagpapakilala nito sa kanya at iniabot nito ang kanan na kamay sa kanya upang kamayan siya. Magiliw naman niyang inabot ang kamay nito at gumanti rin siya ng ngiti.

“Sarine, ako po si Sarine Diaz,” ang magiliw niyang pagpapakilala rito.

“Hi! It’s nice to meet you, uh pwede bang maupo sa tabi mo?” ang paghingi nito ng permiso sa kanya. Mabilis siyang tumango at naupo ito sa bakanteng espasyo sa kanyang tabi at dama niya ang mga mapanuri na mga mata nito sa kanya. Mapanuri man ngunit hindi naman negatibo ang dating nito na pakiramdam sa kanya.

“I am a patron of your restaurant, every week kumakain kami ng pamilya ko sa restaurant ninyo, talagang masarap ang pagkain sa restaurant ninyo, kakaiba ang timpla, walang kapares, hindi katulad ng mga nakagawian ng barbecue ng mga restaurants, hangang – hanga ako sa asawa mo at ang galing ng recipe niya,” ang magiliw na pakikipag-usap nito sa kanya.

Gustong mabura ng ngiti sa kanyang mga labi, pero pinilit pa rin niyang ngitian ang matandang babae lalo pa at wala naman itong masama na sinabi. Oo, masakit, nasaktan siya sa sinabi nito na, ang recipe ay naisip ni Rodrigo, kahit pa ang totoo ay siya ang nagtitimpla ng mga karne na ibina – barbecue o grill nila sa smoker. Pero, napagkasunduan nila ni Rodrigo na hindi siya dapat magsalita tungkol doon at hindi niya pwedeng ipaalam na siya ang tunay na nakaisip ng timpla ng sikat na pagkain ng restaurant dahil sa nakapangalan nga kay Rodrigo ang restaurant at hindi sa kanya at dahil sa labis na pagmamahal niya rito noon ay walang pag-aalinalangan siyang pumayag. Hindi importante sa kanya kung si Rodrigo ang sumikat, ang pagsikat ng asawa ay kanyang kaligayahan. Pero ngayon?

Spitting Image (romantic suspense) (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon