chapter 39

1K 81 62
                                    


"Salamat Sarine at pinaunlakan mo ang imbitasyon ko sa inyo, alam ko naman na mukhang abala yata kayo ni Rodrigo ngayon, nabalitaan ko na may ano bang tawag dun? Outreach program?" ang tanong ni Mrs. Gayon sa kanya habang umiinom sila ng kape.

"Uhm parang ganun na nga po Mrs. Gayon," ang sagot niya kasabay ng matipid na ngiti, "kamusta nga po pala ang anak ninyo na si Jewel?" ang tanong niya at nakita niya ang malungkot na ngiti sa labi nito. Hindi muna ito agad sumagot at dinampot muna nito ang mainit na tsaa na inorder nito para masain ang mga labi at lalamunan nito, saka ito muling ngumiti ng matipid.

"Okey naman na siya, wala namang nakitang dipirensiya sa kanya, akala kasi namin na bumalik ang atake niya," ang sagot ni Mrs. Gayon sa kanya. Tumango na lamang siya at hindi na siya nagtanong pa, ayaw na niyang malaman pa ang pribadong buhay ng mga ito lalo pa ng babaeng malaki ang di pagkakagusto sa kanya.

"Pasensiya ka na sa kanya ha?" ang malumanay na paghingi ng paumanhin ni Mrs. Gayon sa kanya na napansin ang kanyang matipid na ngiti. Mukhang napansin din nito ang mga magaspang na pakikitungo sa kanila noon ng anak.

"Wala po iyun, hindi naman po lahat ng tao ay dapat na magustuhan ako o kami ng asawa ko," ang malumanay niyang sagot. Habang hinahalo niya ng stirrer ang kanyang makrema na kape sa loob ng tasa.

"May, sakit kasi siya, nagkaroon siya ng panic attack tapos bigla na lang nagdeteriorate ang isipan niya, at unti-unti siyang nakalimot, naka-recover naman na siya, pero sa panic attack niya ay minsan umaatake at kailangan niya ng medications, kaya naman iniintindi na lamang namin siya ni Jasper," ang mahinang paliwanag ni Mrs. Gayon.

"Actually thankful ako at nakalimot siya dahil sa, masakit ang nangyari sa kanya noon, siguro tama ang sinabi ng doctor na ang nangyari sa kanya ay motivated forgetting para makalimot sa nakaraan," ang dugtong pa nito.

Ilang beses na kumurap ang mga talukap ng mata ni Sarine, sa kabila ng pangit na pakikitungo sa kanila ni Jewel ay nakaramdam ng awa si Sarine rito nang malaman niya ang dahilan ng ugali nito.

"Uhm pasensiya ka na, baka nabo-bore ka na sa mga kwento ko," ang sabi ni Mrs. Gayon sa kanya na marahan na tumawa para pagaangin ang atmosphere sa kanilang dalawa.

"Gusto ko lang kasi ng may makakausap pasensiya ka na," ana paghingi pa nito ng paumanhin.

"Natutuwa rin po ako Mrs. Gayon at nakikipagkwentuhan po kayo sa akin," ang sagot ni Sarine sa matandang babae.

"Ikaw Sarine ang mga magulang mo?" ang tanong ni Mrs. Gayon sa kanya bago humigop ng tsaa.

"Uhm hindi kop o alam kung sino ang mga magulang ko, isang tagapagluto sa isang mayaman na pamilya sa isang rancho ang nagpalaki sa akin, nakita daw niya ako sa isang basurahan, habang inaamoy ng mga aso, hi hi hi, literal na napulot ako sa basurahan," ang natatawang sagot niya para pagtakpan ang awa sa kanyang sarili na itinapon siya ng kanyang magulang.

"Oh God! Talaga?" ang di makapaniwala na tanong nito sa kaniya at tumango siya.

"You look young ilang taon ka na nung napangasawa mo si Rodrigo? How old is he thirty-five right?" ang tanon ni Mrs. Gayon sa kanya at tumango siya.

"Twenty-three na po ako, nineteen ako nang mapangasawa ko si Rodrigo, ayaw man ni nanay Josephine pero sinunod ko ang pag-ibig k okay Rodrigo kaya pumayag na langs siya," ang sabi ni Sarine at tumangu-tango naman si Mrs. Gayon na may ngiti sa mga labi nito.

***

Kitang-kita ni Martin kung paanong nanlaki ang mga mata ni kuya Fred nang matunton siya ng mga mata pagkapasok nito sa visiting area ng mga preso. Batid niyang nagulat ito sa loob pa lamang ng selda dahil sa ni isang kamag-anak nito ay walang dumadalaw dito mas lalo pa kung isang Rodrigo Diaz ang gusto itong makausap na kahit pa tutuli nito sa tenga ay di pa narinig ang pangalan na iyun, pero malamang lang na mas nagulat ito nang makita ang kanyang mukha lalo pa at sinabi nitong huwag na siyang babalik.

Spitting Image (romantic suspense) (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon