Chapter 33

795 18 0
                                    

Chapter 33


They say self-confidence is a super power. Once you start believing in yourself, magic starts happening. 


Kian is baking. He wants me to teach him in baking so here we are in the kitchen counter. Ayon nga lang makalat at parang binagyo ang kinalabasan ng kusina. Napaka-kalat kasi ni Kian na magbake. Kanina pa siya naiirita kasi hindi niya alam ang ginagawa, tinuturuan ko naman. Natatawa na lang ako sa kanya.



He's done mixing up all the ingredients. Natimpla na rin niya ang gusto niyang lasa. Everything's now okay at ilalagay na niya sa oven iyong ibe-bake niyang cake. Pinapanood ko lang siya habang maingat niyang ginagawa iyon.



He flashed a satisfying smile at me after he put it inside the oven. Seeing him smiling at me... I can say... this is magic.



I never felt this happiness in my entire life before... ngayon pa lang. I also admit that with the help of Kian I am learning how to trust other people again. I am slowly gaining my confidence again. I am gaining friends as well. I am learning how to socialize again.



Nakakalimutan ko rin ang problema sa bahay namin... 



We stayed here at my parent's house until summer vacation ended. Sabay kaming nag-enrol ni Kian, gusto rin niya kasi na parehas ang schedule naming dalawa. Well, gusto ko rin naman.



I spent my whole second years and third years happily... Simula nang araw na inaway ako nila Janna at pinagtanggol ako ni Kian, hindi na nila ako ginugulo pa. Naroroon pa rin ang masasakit nilang tingin at wala na akong magagawa roon. Pero aminin ko maraming nagbago simula nang araw na iyon.


Naging open na ang relasyon naming dalawa. We are now officially in a relationship. Kahit naman alam na namin kung saan kami hahantong, gusto ni Kian na gawin pa rin ang manligaw at mapunta kami sa phase ng pagiging boyfriend at girlfriend. After all, we're still getting to know each other. Marami pa akong hindi alam sa kanya at ganoon din siya sa akin. Gagamitin ang mga araw para kilalanin ang bawat isa't-isa.


We have a lifetime ahead of us to do that and to enjoy everything between us.



"Yna, tara na!" aya sa akin ni Alex. Umiiling akong lumapit sa kanya at pareho kaming nasayaw sa dance floor. Hinigit ako ni Kian at inilapit sa kanya.



"May girlfriend ako gago!" halakhak niya.



"Kalandian kamo!" sigaw ni Ash sa kanya. Bahagyang uminit ang pisngi ko habang nakatingin sa kamay naming dalawa ni Kian.



"Ganyan-ganyan lang si Kian pero seloso 'yan!" tawa ng magkakaibigan sa kanila.

Reaching Star (S)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon