double ud to... may 36 na agad-agad haha :>
Chapter 35
Para akong nanlamig at nawalan ng lakas sa narinig. De Guzmans invested a lot on our business. Malaki ang tulong nila sa pag-angat ng Savour's. Kung tutuusin, tama sila... madali na lang makuha ng mga De Guzman ang business namin. At isa pa... tama rin sila nong sinabi nila na wala na mapapala ang mga De Guzman sa amin. Pabigat lang ako sa kanila.
If that's the case then I was really left alone huh. I thought... everything's well already. Well, at first, everything's working well for me. Maayos na ang business namin, maayos na rin kami ni Kian, pero sadyang napakalupit lang ng tadhana. Ayaw yata ako maging masaya nang matagalan huh. Bigla na lang napalitan ng sobrang sakit. Naiwan ako. Nawalan ako. Napaka-sakit. Sobra. Hindi ko na alam. Hindi ko na talaga alam.
Umiyak ako nang umiyak sa isang bench. Saksi ang mga bituin at ang buwan sa mga bawat patak ng luha ko. Sana sa pag-iyak maibuhos ko na lahat ang sakit. Sana kapag umiyak ako ayos na ako... kaso hindi eh. Sobrang laki ng nawala sa akin. Nawawalan na ako ng sasabihin. Nawawalan na ako ng lakas. Ang alam ko na lang... sobrang sakit.
I felt someone sat beside me... it was Kian. Inilahad niya sa akin ang panyo niya. Kinuha ko iyon pero hindi ko ipinahid sa mukha kong basang-basa na. Tinitigan ko lang iyon... at muli na naman umiyak.
I heard him sighed. Siya na mismo ang kumuha sa panyo at siya na rin mismo ang nagpunas sa mga luha ko.
"Pumasok ka na." mahinahon niyang sabi. Umiling ako at tumungo. Tinitigan ko ang panyo na nasa kamay ko. Hinigpitan ko iyon ng hawak.
"I'm here." he whispered.
The next days were hell for me. Sa bawat araw na nagdadaan, pinapaalala sa akin na wala na sila Mommy. Na mag-isa na lang ako. Mas lalong dumoble ang sakit ng naramdaman ko nang ilibing na silang dalawa.
Wearing my black dress, I am looking at Mommy's grave. Yakap-yakap ko ang litrato nila. Magkatabi sila ni Daddy ng puntod. Galit akong bumaling sa puntod ni Daddy. Habang buhay yata akong may galit sa kanya.
I bit my lower lip when I felt my tears falling again. Pinipigilan ko ang paghikbi ko. Ayoko na... Mommy please take me there with you.
I was crying hard when Kian held my arm for a support.
"Yna..." he called. May hawak din siyang bote ng mineral water. I cried and cried on his chest. I punch his chest like it would ease the pain.
"Argh!" I shouted while punching his chest. Niyakap niya ako ng mahigpit at pilit na tinatahan.
"Hush now. Please." he pleaded. I shook my head and cried more. The next thing I knew we were in the condo and I was in bed. Kagigising ko lang at suot ko pa ang damit ko kanina. Nagpalinga-linga ako at hinanap si Kian pero wala akong nakita. Lumabas ako ng kuwarto at nakita siya sa kitchen na nagluluto pero may katawagan ito.
BINABASA MO ANG
Reaching Star (S)
Novela JuvenilHow can Yna Estrella reach a star like Kian de Guzman? -Kian and Yna's story