Chapter 09
Hindi nga ako nagkamali. I frowned as I read my 2nd detention slip. Maglilinis nanaman ako?!
Hayy. Okay na ito kaysa papuntahin naman ang parents ko. I should be careful next time because if I cause another fight again, I don't know baka patawagin na ang mga magulang ko.
This school is giving me a hard time huh? Can I just stay here without people hurting me?
Buong araw na masama ang loob ko dahil sa nangyari. Wala naman akong ginagawang masama sa kanila ah? Hindi ko naman sila ginugulo, but why are they acting like this? Kasalanan bang mapunta sa building nila? Masama bang pumunta roon?
Simula noong magaral ako rito may discrimination na talagang nagaganap. Iniiwasan ng mga lower sections makabangga ang mga nasa higher sections.
I sigh as I am on my way to storage room to clean again. Palagi na lang, Yna! Edi sana nag-apply ka na lang na janitor!
"Late nanaman ako uuwi..." reklamo sa sarili habang mino-mop ang sahig sa building ng mga nasa higher sections. Inayos ko ang mga upuan bawat classroom at saka nagwalis at nagmop. Napatingin ako sa whiteboard at may mga nakasulat pa roon na mga equations and formulas. Napangiwi ako sa nakita at agad na binura.
I looked around their classroom. Ngayon lang ako nakapasok sa mga classrooms nila.
Nadako ang direksiyon ng mata ko sa palaging inuukupahang upuan ni Kian. Alam ko yon, sa palagi kong pagsubaybay kay Kian halos kabisado ko na ang mga galaw niya. This spot is his favourite place together with his friends.
Naupo ako sa tabing upuan nito. I let my head fell on the arm of the chair facing the chair of Kian, imagining him that he's here sitting beside me.
I smiled.
Hinayaan kong tumama sa aking mukha ang araw na sumisilip sa bintana. I really appreciate the scene here. Is this the reason why this is Kian's favorite spot? Because it's really beautiful.
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako! Pagmulat ko sa aking mata ay nag-aagaw na ang liwanag at saka dilim. Napapitlag ako nang maalalang wala pala akong sundo ngayon dahil nagtext si Manong na hindi raw siya makakarating dahil may emergency sa bahay nila.
Agad kong inayos ang mga ginamit kong mop at walis at saka sinunod kong kunin ang mga gamit kong nasa locker room. Hindi na ako magpapalit kahit na ang baho baho ko na dahil baka wala na akong masakyan pa!
Nakalabas na ako ng building. Maglalakad na lang ako patungo sa terminal, madalang lang kasi ang mga taxi na dumaan dito.
Nang makalabas ako ng building ay hindi ko inaasahan makita si Kian na naglalakad palabas din. Nagkatinginan kami at siya ang unang umiwas at naglakad na nauna.
Naglakad na rin ako ngunit hinintay ko munang makalayo siya nang konti.
Nasa likod niya lang ako habang naglalakad. Medyo malayo siya sa akin, okay na ito baka makita nanaman ako ng mga kaklase niya o mga fan girls niya at pagtulungan nanaman ako.
Nakayuko lamang ako habang naglalakad at ramdam na rin ang pagod. Damn, I want to go home already.
I stop when he stopped walking.
"Napaaway ka na naman." I am not sure if I am the one he's talking with. I look around to see if there's anyone who's here but it's just me and Kian.
"Uhh..." I lost for words. Alangan namang sabihin ko na napaaway ako dahil sakanya?
"You shouldn't be there..." he said and I lowered my head again. So, it's really forbidden for us, the lower, to be there huh. We don't belong there.
"The students will going to hurt you..." then he looked at me, I saw his feet moved.
"See? You have wounds." I don't know if he's concern or he's saying that I am stupid for putting up a fight.
I hide my arms. Alam ko rin na may sugat ako dahil kanina pa ito mahapdi. Gagamutin ko na lang ito pag-uwi ko.
I heard him sigh so I look up to see him. He looks so worried but it suddenly changed when he saw me looking at him. Instead, he looked away and he took something in his bag.
Nagulat ako nang makita ang mga band-aids. Naglakad siya palapit sa akin at binigay ang mga iyon. Hindi naman ako nakagalaw agad dahil sa pagkamangha. My heart is really melting as of this moment. I never knew that Kian would do something like this.
Kung iisipin mo napakababaw lang naman. Everyone can give you band-aids but to think that it is from Kian makes my heart flutter.
"T-thanks." I said. Napatingin ako sa kamay kong may mga scratches ng kuko. It's worth it right?
"Huwag mo na ulit gagawin iyon." he said calmly.
"But... I just want to see you." I almost whispered.
"Huwag mo na akong puntahan sa building. Tumigil ka na rin sa ginagawa mo. You're just hurting yourself."
But...
"Stop it, already. You're hurt..."
Kanina ko pa ito pinag-iisipan, should I stop on Kian? Wala naman akong napapala eh. Away, pagkakapahiya, at sakit lang naman ang naidudulot sa akin.
Habang patagal nang patagal at paulit-ulit lalo ko lang napagtatanto ang mga sinasabi nila ay tama. Kahit anong pilit kong sabihin na kaya ko pa, gusto ko siyang maging kaibigan, na may pag-asa pa, hindi ko maiwasang maisip na tama sila... na kahit anong gawin ko.. .hindi ako magkakaroon ng kaibigan, na hindi ako mapapansin ni Kian... na hindi nila ako magiging kaibigan.
Napaka-ambisyosa ko ba para isipin na may pag-asa pa akong maging kaibigan nila?
Isa pa...
Muli akong aasa pa Kian... pagbigyan mo na ako. Isa pa...
I looked at him as he continues to walk.
I watch his back, I stretch my arm and tried to reach him....but I can't.
BINABASA MO ANG
Reaching Star (S)
Novela JuvenilHow can Yna Estrella reach a star like Kian de Guzman? -Kian and Yna's story