Chapter 07

787 34 4
                                    

Chapter 07


Months passed and still wala pa ring improvement sa aming dalawa ni Kian. Actually years na nga eh. What can you expect? For him I am just merely a stupid fan. But here I am doing a lot of things for him that made him annoyed. Hobby ko na ata ito.


Ilang weeks na rin nung na-meet ko ang parents niya at nalaman ko rin na para pala sa Mommy niya ang binili niyang regalo. He's really thoughtful.


I looked around and saw students that are busy preparing for their booths this foundation day. Kanya-kanyang gimik ang bawat sections at bawat organizations. S'yempre pinaka-dabest pa ring booth ang booth ng mga nasa Special Class at ang Junior High Student Org na halos sila-sila lang din ang namamahala.

Sa pagkakaalam ko may booth din ang section namin pero hindi na ako nag-abalang tumulong pa. Gusto ko man pero hindi na ata kailangan. I think they don't need my help and I know that they aren't pleased if I will meddle. Baka awayin lang nila ako. Worse baka masira pa ito. For me it's okay. It's kind a tiring job and I'd rather take a nap.


Every year tuwing foundation day nandoon lang ako sa kaibigan kong puno, natutulog, minsan nagbabasa. Saka lang ako umaalis kapag game na nila Kian sa basketball.

Yup, Kian is part of the basketball team. Every year nakikisali rin siya, silang apat na magkakaibigan—they are all part of the basketball team. Not just only they were smart but also athletics too. Doon lang ako nagkakaroon ng ganang manood. S'yempre chini-cheer ko sila. Later may laro ata ulit sila.


Nilibang ko muna ang sarili ko sa pagtitingin-tingin ng mga booths. Ito na lang ang nagiging kasiyahan ko tuwing may ganitong okasyon sa loob ng apat na taon kong pag-aaral dito.


"Oops, sorry..." sabi sa akin ng babae nang mabunggo niya ako sa balikat. Hindi niya siguro ako nakita dahil sa pag-uusap niya ng kanyang mga kaibigan.

Napatingin ako sa grupong iyon. They were so happy and look like they are enjoying one's company. I sighed. Kailan kaya ako magkakaroon ng kaibigan? Is it still possible? I shook my head and decided to go to my one and only friend in this school.


I look at my wrist watch and it's already 9:15 am. Kian's game is in the afternoon so I'll just take a nap here.


Nagising ako dahil nakaramdam ako ng gutom. Ilang oras ba akong nakatulog dito? I look at my watch and it's already 11:30. Weh? Ang tagal ko naman natulog.


Pumunta ako sa canteen at nakaorder naman ako agad dahil kokonti lang ang mga estudyante ngayon dahil halos lahat nasa mga booth, kumakain.

I can't help but to smile because of the thought na hindi ko na kailangan pumunta sa labas para kumain. Usually kasi sa mga ganitong oras punuan ang mga upuan dito, Nahihiya rin akong maki-share ng upuan sa kanila. I know in the end, they wouldn't let me sit with them kaya hindi na ako nag-abala pa. Ako na lang maga-adjust.

I look around and realized that it's just me who is here. Sumulyap ako sa labas at nakita ang maraming estudyanteng nakikisali sa foundation day. Halatang nage-enjoy sila. While me? Wala akong maalalang na-enjoy ko ang foundation day bukod sa panonood ko sa laro nila Kian.

Nanatili ang mata ko sa labas. They really look so happy. I really envy them. Binaling ko na lang ang tingin ko sa pagkain. Nang matapos akong kumain ay naglibot libot muna ako sa mga booths at bumili ng iilang items at maging ng snacks.

Reaching Star (S)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon