Chapter 14
I let a deep sighed first before entering the university gate. This is my first day of being a college student. Hindi ko man aminin, kinakabahan pa rin ako, well, every year naman ata. The happenings in the past is still haunting me. I'm overthinking things na paano kung hindi ulit maganda ang pakikitungo ng mga kaklase ko? I am not expecting to have a friend, but just like in my Senior High days, I hope that they will treat me well here.
Tiningnan ko ang repleksiyon ko sa cellphone, tinitingnan kung maayos ba ang hitsura ko. I am wearing a cropped white cardigan sweater. Over it is a white lace-trimmed tank top, with ripped straight-leg jeans. One thing that I like in this school is its free wear policy. I can wear whatever I want.
Dahil first day of school, maraming mga pakulo ang bawat org ng bawat courses. Kagaya sa College of Engineering na may quiz bee agad na naganap! Their main goal is to familiarize the students to the course they took up, which is engineering. Sa College of Architecture naman ay nagkaroon sila ng mini-museum na kung saan pinapakita at dini-display ang kanilang mga designs and artworks. Sa culinary arts course, they have a free taste food!
Samantalang sa College of Business ay nagkaroon ng initiation. Their main goal is for us to communicate with each other. Hindi lamang kasi initiation ang nagaganap kundi parang may getting-to-know-each-other part din.
Kaming mga freshies at mga members and officers lang ng organization ang kasali dahil ang mga sophomores to graduating students ay nagklase agad!
All in all, it was fun and enjoyable. Marami naman akong nakilala at nakasalamuha, but unfortunately, nothing became my friend. Puro pakilala lang. It's okay though, paumpisa pa lang naman at hindi naman ako nagi-expect na mayroon talaga.
Binasa ko ang schedule ng gagawin ngayong hapon and it says 'Orientation & Formal Introducing' Uh-oh.
Hinanap ko sa bag ko iyong enrollment slip ko para malaman kung saang building ako ngayong hapon.
Hindi naman naging mahirap sa akin ang paghahanap ng room ang mahirap sa akin ay ang pag-akyat sa hagdan! Nasa 3rd floor pa kasi ang room ko! Argh. Hinihingal akong nakarating sa aming room at napansin na maraming estudyante na ang nakaupo. Tiningnan ko ulit kung tama ba ang pinasukan kong room, mahirap na.
Naupo ako sa may pinakadulong bahagi kung saan wala pang masyadong estudyanteng nakaupo. Kinabahan naman ako nang maraming mga tingin ang pumukol sa akin. Tahimik din ang silid dahil marahil ay nagpapakiramdaman ang bawat isa.
I look at my wrist watch and it's already 12:45 pm.
Isa-isa na ring nagsisidatingan ang iba pang estudyante na halos wala akong kakilala. Their faces are new to me. Ilang saglit pa ay napako ang tingin ko sa taong hindi ko inaakalang nandidito. Kian de Guzman wearing a classic denim shirt that is folded up until its arms and a gray jeans.
Kumpara dati, mas naging firm ang kanyang katawan. Hindi man ganoon kaganda at kalaki ang katawan niya ngayon, I must say, bagay na bagay sa kanya. Mas matangkad na rin siya ngayon.
His hair is just like the usual - messy. Ang kulay ng kutis niya ay ganoon pa rin, hindi kaputian at hindi rin kaiitiman. His eyes became more beautiful to me, now, became darker. Even his thick brows became more on point. His jaw is well-sculpted too. In short, he became very handsome and a fine young man.
BINABASA MO ANG
Reaching Star (S)
Ficção AdolescenteHow can Yna Estrella reach a star like Kian de Guzman? -Kian and Yna's story