Chapter 12

930 27 1
                                    

Chapter 12


"Miss Estrella, pang-ilang detention slip mo na ito?" tanong ng guidance counselor sa akin nang pinapunta ako ng principal dito para humingi ng detention slip. Agad lumabas at umalis ang grupo nila Janna nang makakuha sila ng slip.

"Pangatlo po." yumuko ako dahil maging sakanya ay nahihiya na rin ako.

"Oh. Hindi na dapat pala warning ito e, dapat pinapatawag na ang magulang mo."

"P-po?!" nanlaki ang mata ko at nakaramdam ng kaba.

"Hindi na po mauulit pangako po, h'wag niyo na po ipatawag sila Mama." pagmamakaawa ko. Ang daming problema sa bahay dadagdag pa ako? Ano ba itong napasok ko? Damn.

"O'sige. Last na ito. Kapag ikaw nakakuha ulit nito, ipapatawag ko na talaga ang magulang mo." sabay pirma sa slip.

"Opo." Nakahinga ako nang maluwag.


Pangako, ito na ang huli.


This will be the last, not because I don't want to get another detention slip, well uh part of it it's my reason, but my main reason is because I feel so ashamed and embarrassed. Naaawa na rin ako sa sarili ko na palaging nasasaktan.


I always feel neglected but still ended up doing the same thing again and again.


I looked at my clock and it's already 1 pm. I should be in my class right now but I am hesitant to go because for sure my classmates will laugh and mock at me again. Alam na rin nila panigurado ang nangyari at pagtatawanan at kukutyain na naman nila ako.


Napatingin ako sa tuhod ko na may sugat. Hindi ko nabalance ang sarili ko kanina dahil sa pagkagulat kaya agad agad akong natumba. I don't want to go to clinic, so I will attend it later at house.


Dumeretso ako sa likod kung saan palagi ako tumatambay at doon na lang magpapalipas ng oras.


I sat in between the big roots of my one and only friend. I leaned on the roots and closed my eyes trying to relax but right after I closed my eyes, the eyes of Kian were the one I saw.

My eyes remained closed but again, tears started to fall continuously. Hindi ko na pinahid ang mga ito dahil pagod na rin ako sa kapapahid ng sarili kong luha. Pagod na akong gamutin ang mga sarili kong sugat.

Even this, Yna, promise to yourself that this will also be the last.


Kumuyom ang kamao ko nang maalala ang pagtalikod niya sa akin kanina. Alam ko naman na walang siyang pake sa akin... pero bakit ang sakit? Kahit man lang sana magpakita siya ng konting concern sa akin eh... pero wala. Agad-agad na lang siyang tumalikod.


I cried so hard to the point where I can hear my sobs, sana lang ay walang tao rito dahil kung oo ay maririnig nila ang mga hikbi ko. Sobrang sakit at bigat ng nararamdaman ko. Hindi ko ma-explain.


Nakatulog ako sa sobrang pag-iyak at at paggising ko ay eksaktong maga-alas kuwatro na. Nagpagpag muna ako ng aking palda at saka dumeretso na para kumuha ng walis na panlinis.


Pinili ko sa may corridor maglinis, ayoko na doon sa building na iyon.


Reaching Star (S)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon