Chapter 22
"Yna..."
My eyes widened while looking at Kian. What the hell is he doing here?
"Your Mom asked me to tail you." paliwanag niya. What the hell!
I looked at Josh who is shocked too seeing Kian here. Pangalawang beses na ito na nakita kami ni Kian pero kasi kaibigan ko lang naman si Josh. At saka eh ano naman ngayon sa kanya, hindi ba?
"Kian." Josh acknowledged him. Tumingin sa kanya si Kian pero tumango lang ito. Bumalik ulit ang tingin ni Kian sa akin.
"Ah, Josh. May sasabihin ka ba?" I asked again.
"Wait lang, Kian. May pag-uusapan lang kami." handa ko na sanang akayin si Josh palayo pero pinigilan ako ni Kian. Hinawakan niya ang braso ko. Napatingin ako rito. Anong ginagawa mo?!
Bumalik ang tingin ko kay Josh. Hindi na siya makatingin sa akin, sa kamay na lang ni Kian.
"Umuwi na tayo." mariin na sabi ni Kian. My lips parted.
"Wait lang. May sasabihin pa si Josh." nanginginig kong sabi.
Tumingin si Josh sa akin, gamit ang nagtatanong na mata. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko rin kasi alam kung bakit ako pinipigilan ni Kian eh mabilis lang naman ito.
"Ayos lang, Yna. Saka na." he smiled.
"Huh... pero..."
"It's okay. I think it's urgent." he said. I shook my head.
"Gusto ko... iyong tayo lang sana." he then licked his lip though his eyes went back to Kian.
"Ahm..."
"Our family is already waiting for us, Yna." mariin na sabi ulit ni Kian.
I closed my eyes fervently. Kainis naman itong lalaking ito eh! Huminga ako nang malalim.
"Josh, sorry." I apologized.
"It's okay, Yna."
"I'm sorry talaga." I once again apologized sincerely.
Hindi ko na hinintay si Kian na akayin ako, nauna na akong maglakad palayo kay Josh. Grabe, nakakahiya! Naghintay sa akin si Josh, wala rin akong regalo sa kanya pero ano ito?! Ugh!
"Sige, pre." paalam ni Josh kay Kian.
"I'm Yna's fiancé." pakilala ni Kian kay Josh.
My feet rooted on the ground. What the hell is happening?! Mabilis akong lumingon sa kanila. Josh is looking at Kian with a wide eyes and his lips slightly parted. Kagaya ko, nagulat din siya. Kahit kaibigan ko si Josh, hindi ko pa ito sinasabi sa kanya.
BINABASA MO ANG
Reaching Star (S)
Teen FictionHow can Yna Estrella reach a star like Kian de Guzman? -Kian and Yna's story