I sigh as I wipe my sweat that fell from my face.
Nagmo-mop ako ngayon sa building ng mga Special Classes, dahil sa naging parusa namin. Hindi ko alam kung nasaan ngayon si Ella, marahil nasa corridor din iyon at naglilinis.
Dahil nasa building ako ng special class, ibig sabihin nandito rin si Kian. Nakakahiya baka makita niya akong nagmo-mop tapos malaman niya na parusa namin ito at na-principal's office ako. Baka maturn-off siya! Huhu.
Pinagtitinginan ako ng mga iilang estudyanteng dumadaan, paano ba naman kasi ay naka-uniform pa akong naglilinis. Umagang-umaga ay ang haggard haggard ko na! Mabuti na lang nagdala ako ng extrang uniform at extrang T-shirt. Next time hindi muna talaga ako maguuniform bago maglinis.
Ang sabihin mo, next time, hindi ka na makikipag-away!
Well, it's not my fault. Ella attacked me first. Hindi ko alam kung bakit ang init-init ng dugo sa akin ni Ella.
Umabot na ako sa paglilinis sa may pinakadulong parte ng building. Napagpasiyaha kong magpahinga muna saglit dahil ramdam ko na ang pagod sa aking tuhod at ang pawis ay tumatagatak na naman sa mukha ko. Wala rin akong dalang tubig! Badtrip.
Tiningnan ko ang wrist watch ko at nakitang 7:30 na. Kailangan ko magmadali kung hindi ay mali-late na naman ako!
Napasinghap ako nang marinig ang balde na natapon. Tiningnan ko ang grupo na gumawa nun, kilala ko sila. Sila 'yong mga nagkakagusto rin kay Kian! Handa ko na sana silang sabunutan ngunit naalala ko na may parusa pa pala ako. Baka madagdagan nanaman ang offense ko nito kaya pinabayaan ko na lang.
Kalmado kong pinatayo ang timba na natumba at tahimik na pinunasan ang nagkalat na tubig. Sa loob-loob ko'y gustong-gusto ko silang tapunan ng maruming tubig. Pasalamat kayo na-principal's office ako!
Narinig ko ang munting tawa ng mga babaeng iyon.
Ilang saglit pa ay marami na rin ang nagsisidatingang mga estudyante dahil papasok na rin sila! Nanlumo naman ako dahil ang bagong mop kong sahig ay puro putik at sobrang dumi nanaman.
Ugh. This is so frustrating!
Pinagpatuloy ko pa rin ang paglilinis ko. Bahala na kung malate ako.
Nakarating ako sa may pinakadulong classroom at narinig na nagdi-discuss na ang teacher. Napatingin ako sa loob at nilibot ng tingin ang kabuuan classroom.'Di hamak na mas maganda at mas maayos ang kanilang classroom kaysa sa amin. What can you expect? Top students kaya ang mga nandito. Sila ang priority. Napadako ang tingin ko sa apat na lalaking nasa pinaka-bahaging likod ng classroom. Sila Kian!
Si Ash ay nilalaro ang ballpen na nasa kanyang kamay, samantalang si Alex ay parang natutulog dahil nakayuko ito! Si Khiel naman ay parang relax na relax lang na nakikinig sa teacher at si...Kian! Shit ang guwapo talaga! Pero mukhang hindi rin ata ito nakikinig ah, nakatingin lang kasi siya sa labas.
I wonder what is the feeling to be in their class? Siguro ay sobrang talino nila, ano? Nag-aaral kaya sila palagi? Ano kayang feeling maging kaklase ang apat na guwapong nilalang na mga ito?
Also, I wonder what it feels like to be smart and be recognized in this school. I don't know.
Nanlaki ang mata ko nang biglang tumingin sa gawi ko si Kian! Hindi ko alam ang ire-react o ang gagawin ko. I quickly stand straight then I just smiled sweetly at him. As usual, he didn't smile back at me instead he turned his face and he never look at my side again.
Sungit!
Binilisan ko na lang ang paglilinis para makaabot pa rin ako sa klase. Hindi naman na ako sinita ng aming teacher nang pumasok akong late.
BINABASA MO ANG
Reaching Star (S)
Teen FictionHow can Yna Estrella reach a star like Kian de Guzman? -Kian and Yna's story