Chapter 08

729 27 1
                                    

Chapter 08


Tinatakbo ko ang daan patungo sa likod ng school. Wala akong pakialam kung may mabangga man ako. Gusto ko lang makaalis na dito.

Tuloy-tuloy pa rin sa pag-agos ang aking mga luha. Sobra-sobra ang naramdaman kong pagkakapahiya kanina. I've never felt so embarrassed in my whole life. Ngayon pa lang. At hindi ko inaasahan na si Kian pa ang magiging dahilan nito.

Kasalanan ko... pero kasi gusto ko lang naman silang i-cheer ah? Gusto ko lang malaman niya na sinusoportahan ko sila. Masama ba iyon? Mali ba iyon? Bawal ba iyon? Maingay din naman ang mga iba ah, bakit ako lang ang pino-point out nila? Bakit ako lang iyong mali?

Damn... Kian!

Umiyak ako nang umiyak habang nakaupo sa likod ng puno. I leaned on the tree and tried to calm myself. Hindi ko maiwasan ang paghikbi... ang mga luha ay patuloy pa rin sa pagpatak. Halos hindi na rin ako makahinga sa sobrang pag-iyak. Umawang ang aking mga labi at pumasok na naman sa utak ko ang mga sinabi ni Kian sa akin... pero ang pinakamasakit sa lahat...

You look pathetic so stop it already...


Nakatulog ako sa sobrang pag-iyak. Nang magising ako ay alas kuwatro na ng hapon. May mga sigawan pa rin akong naririnig sa loob ng gym. Marahil hindi pa tapos nag game. As much as I want to stay there and watch their game... minabuti kong i-text na si Manong. Besides, para saan pa? Halata namang hindi natutuwa si Kian sa existence ko. Baka matalo lang sila at maging kasalanan ko pa.

I already texted Manong. Nakayuko ako habang naglalakad patungo sa labas ng school at sa kung saan ako sinusundo. Ramdam ko pa rin ang bigat ng aking mga mata at siguradong namumugto pa rin ito hanggang ngayon.

Ang sama ng pakiramdam ko. Lalagnatin yata ako.


Ilang saglit pa ay namataan ko si Manong na naghihintay sa akin sa labas.


Nakauwi na ako at wala pa roon si Mommy. Good thing dahil baka tanungin niya lang ako kung ano ang nangyari bakit namumugto ang mata ko. Bukod sa katawan ay ramdam ko rin ang pagod sa lalamunan. Binagsak ko ang katawan sa aking kama. I hug my pillow. I put it in my face... and cried silently.

This is so hard. I want to cry and all I can do right now is to cry silently... and it's not enough. I want more. I want...a hug—a hug that would ease this pain even just only for temporary. I want an advice... I want a friend.

This is my life from the very beginning. No one knows I am crying... no one knows I am lonely... no one cares if I am alone... no one cares if I am hurt.


Matutulog na malungkot, magigising na malungkot.


Nakakapagod.


Kinabukasan, masama ang aking naging pakiramdam. Nilagnat ako kaya hindi muna ako pumasok. Foundation Day naman kaya okay lang na lumiban. Besides, what am I going to do there?


One week din akong hindi pumasok, and I think it's okay... Staying in my room isn't that bad. Reading a book, watching TV, isn't that bad. It's just that there isn't life here. I sighed.


Mabilis na nagdaan ang araw at lunes na naman at balik ulit sa normal. After foundation day, we have our 2-day test examination for the 3rd Quarter. There's a schedule of examination and I got a morning schedule. That's why I am early.

Reaching Star (S)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon