Chapter 10
Ano kayang magandang regalo kay Kian? Napasabunot ako sa aking buhok dahil wala akong magandang ideya sa kung anong ireregalo ko sa birthday niya!
Sa darating November 29 ang birthday niya.
Cake kaya ulit?
Baka itapon niya ulit?
Noong mga nakaraang birthday niya ay nireregaluhan ko siya ng mga cake, sapatos, relo at kung anu-ano pa, pero kahit kailan hindi ko nakitang sinuot niya ang mga ito!
Kapag birthday niya rin ay sila-silang magpapamilya at magkakaibigan lang ang nagce-celebrate. How I wish kasama rin ako sa party niya huhu.
Nandito ulit ako sa mall para bumili ng ireregalo ko sakanya. Lahat na ata ng naisip kong iregalo ay nairegalo ko na sakanya! Nakakainis!
I ended up hopelessly.
Ngunit may naisip akong ideya kung ano ang ireregalo ko sakanya! Hihi.
Kinabukasan, naghintay ako sakanya sa locker niya para ibigay itong regalo. Sinunod ko rin iyong sinabi niya na huwag na pumunta sa building nila, hindi nga lang sa mismong building nila dahil sa labas ay nag-aabang pa rin ako sakanya.
He even saw me but the usual smug look and cold expression I get. Others were trying to kill me with their stares! Whatever siya naman ang pinunta ko at hindi sila.
Noong nakakuha ako ng detention slip palagi akong may rason para pumunta sa kanilang building para maglinis! At ngayon ay tapos na, parang gusto ko ulit madetention! Stupid girl! Mamaya papuntahin na ang parents mo rito or worse expelled ka!
I smiled nang makita ko siyang papalapit sa locker. Tiningnan ko ang paligid at nakitang walang tao. Alright! Let's do this!
"Kian.." sabi ko nang i-open niya ang kanyang locker. Napatingin siya sa akin kaya ngumiti ako.
"Happy Birthday!" I greeted him cheerfully as I walk closer to him.
"Thanks." tsaka binalik niya ang tingin sa locker.
"I have a gift for you!" at saka pinakita ang box na hawak ko.
He sighed.
"Didn't I told yo-"
"Hep! Bawal tanggihan! It's your birthday so it's understandable to give a gift for you..." I explained.
He looked away.
"Just put that there." he said. Napangiti naman ako roon.
Akala siguro ni Kian ay aalis na ako matapos kong ibigay ang regalo niya pero hindi, nanatili pa rin ako dito.
May gusto akong gawin... May gusto akong itry... Pero alam ko na ang magiging sagot niya... kaya hindi na lang.
"Kian..." I said tsaka naupo sa isang upuan malapit sa locker niya.
No response
"Saan kayo ngayong birthday mo?"
No response again.
"I just want to know... you know, hindi ko kasi nakikita na nagpaparty ka nang bongga para sa birthday mo."
BINABASA MO ANG
Reaching Star (S)
Teen FictionHow can Yna Estrella reach a star like Kian de Guzman? -Kian and Yna's story