Chapter 20

962 19 0
                                    

Chapter 20


Gusto kong magtanong paano at anong nangyari. Paanong nangyari na nalulugi na ang business namin eh pinapatakbo ito ni Mama ng maayos? Anong nangyari? Mommy might be an irresponsible mother to me but I believe that she is a great businesswoman. Mahal din niya ang Savour's.


My feet started to walk upstairs. I need to talk to Mommy.


"This is your fault!" Mommy shouted. My feet stopped from walking. They're arguing again. 


"How come that this become my fault huh?" matigas na sabi ni Daddy.


"Kasalanan mo ito dahil sa pambababae mo nalubog tayo sa utang! You're always seeing in club, nambabae, ginagasta ang-"


"Bullshit! Ang sabihin mo napabayaan mo ang Savour's. Dahil sa kakasunod mo sa akin, dahil sa paranoid mong isipan napabayaan mo ito!"


"Mali ba na sundan ko ang asawa ko? Mali na sawayin ko ang nambabae kong asawa ha?!" Mommy shouted. Tears falling from my eyes again. 


"Napag-usapan na natin ito ---- ."


"Ni hindi mo man lang ako matulungan sa pagpapatakbo nito! Palagi ka na lang nambabae!" Mommy is now crying again. Gusto ko sila lapitan, awatin, at awayin si Daddy pero hindi ko magawa. Ang sakit sakit sa puso ang mga nangyayari.


"Tinutulungan kita!" Daddy hissed. Bakas sa boses nito ang pagpipigil ng damdamin. "Tinulungan kita sa mga De Guzman! Pero anong ginawa mo ha?! You let slip that chance away! Tapos ngayon sasabihin mo na hindi kita tinulungan sa problemang ito?"


"Ayokong madamay ang-"


"Ang sabihin mo ayaw mo lang ibaba 'yang pride mo. Seeing your daughter to be in that kind of set up reminded you of us before!"


My lips parted.


"You're right! Ayokong maranasan ng anak ko ang nararamdaman ko ngayon!" Mommy cried. Hindi ko sila kita ngayon pero alam ko... nararamdaman ko, Mommy is very broken as of now. I don't want to see that kind of state of Mom. "Ayokong maranasan ng anak ko na pagkaitan ng pag-ibig. Gusto ko maging masaya ang anak ko. Ayaw ko siyang itali. Gusto ko... gusto ko na makapili siya ng lalaking mamahalin siya." There, Mommy's voice cracked.


I can't take this anymore. My heart is aching. I can't breathe properly because of my cries. With a heavy heart, I ran as fast as I can. I just found myself running. Gusto ko na lang tumakbo nang tumakbo. Will running ease the pain inside my chest? 


Everything that's happening right now were all messed up! Akala ko ayos na... hindi pa pala... mas malala pa pala. Sometimes I was wondering, what have I done to feel this kind of feeling and life? Do I deserve this pain? What have I done? Am I a bad person? Hindi naman ah.


Hindi ko alam saan ako dinala ng mga paa ko. Tulala lang ako habang pinagmamasdan ang araw na ngayon ay papalubog na. Inilibot ko ang mata ko at nakita sa gilid ang nag-iisang bench. I sat there.

Reaching Star (S)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon