Chapter 34
Hindi mapakali at nanginginig ako habang patakbong papasok ng hospital. Inaalalayan ako ni Kian dahil kung hindi baka isa rin ako sa maho-hospital sa sobrang panginginig at pag-aalala. Nakita ko ang pamilya ni Kian sa tapat ng ICU. Nakayuko si Tita Lara habang si Tito Zeus ay nakatingin sa loob.
"Tita..." I called. It was evident in her eyes that she's worried. Agad niya akong nilapitan at hinawakan ang kamay.
"Kumusta po sila Mommy?" I asked. Hindi siya nagsalita na mas lalong nagpalakas ng tibok ng puso ko.
"Tita?" I whispered. She bit her lower lip and looked away.
"Tita!" I called again. Mas lalong humigpit ang hawak ko sa kamay niya. Naramdaman ko si Kian na lumapit sa akin at hinawakan ang balikat ko.
"Ma..." he called too.
"Yna, I'm sorry..." hindi siya makatingin sa akin. "W-wala na sila Mommy mo..." paos niyang sabi saka niya ako niyakap.
What the?
Hindi ko maiproseso sa utak ang sinabi ni Tita. Ano raw?
Sa paraan ng pagyakap niya sa akin unti-unti kong napagtatanto ang nangyari. Unti-unting nagrerehistro sa utak ko ang sinabi. Tumingin ako sa Daddy ni Kian na nakatingin sa banda ko. May isang butil ng luha ang kumawala sa mata ko.
"No." finally, I muttered. "No way."
"Ano pong sabi niyo?" ulit ko. Saglit lang naman... hindi ako handa at... hindi ko kaya.
"W-wala na ang Daddy at Mommy--"
"No!" sigaw ko at iyak. "No! Where are they? Where's Mommy? I need to see her. Hindi ako naniniwala. Hindi." nagpapanic kong sabi. Agad akong pumasok sa silid na kung saan nandoon sila Mommy.
My whole world crashed the moment I saw them two, lifeless. What the heck?
I was rooted on the ground. My eyes can't believe and my mind refused to believe. Napasalampak ako sa sahig at umiyak.
"No..." I whispered. "No..." I shook my head. Naninikip ang dibdib ko. Gusto kong tumayo pero nawalan ako ng lakas.
Then, everything went black.
BINABASA MO ANG
Reaching Star (S)
Teen FictionHow can Yna Estrella reach a star like Kian de Guzman? -Kian and Yna's story