Epilogue

1.4K 27 3
                                    

Thank you! This will be the Epilogue and last update for Kian and Yna's story! Thank you for supporting my first ever story created :) 

May we all find a star that will motivate us to become a better person someday, in God's perfect time :) 

________________________________________________________________________________


Epilogue


"Ano sa tingin mo ang mas bagay sa akin na damit?" binalingan ko si Yna na kanina pa namimili ng dress na babagay daw sa kanya. Today is our graduation day.


"Pink or White?" she pouted her small lips. She already curled her long hair. Kanina pa rin naman na ako tapos magpalit, si Yna na lang ang hindi pa. Hindi naman din kami nagmamadali, maaga pa naman.


"Kahit ano." Masungit kong sabi. Agad akong tumalikod para hindi niya makita ang mumunting ngiti sa labi ko. I was just teasing her.


"Tagal." I mumbled. Talagang sinadya kong iparinig sa kanya. After a while I felt her hand pinching my back.


"Argh!" I groaned in pain. Humarap ako sa kanyang natatawa habang siya ay namumula na sa inis? Inis ka na niyan? Isa sa mga nage-enjoy akong gawin sa kanya ang asarin siya. She's so cute when I am teasing her. Her face is always blushing.


"Mauna ka na kung ganoon!" sabay talikod niya sa akin at dali-daling pumunta sa closet. Sinundan ko siya. I hugged her back. After all my teases, this is what I love the most in the end. Hugging her from the back is my favorite. I know this is her favorite too. Saulong-saulo ko na si Yna. Lahat alam ko na sa kanya. Wala na siyang maitatago pa.


"Whatever you wear, you're still beautiful." I whispered. Kaso, naiinis yata talaga siya sa akin. Hindi umubra eh. Binato niya ako ng damit na nahugot niya sa closet, napunta ang damit sa mukha ko.


"Sungit. Meron ka ba ngayon?" I teased again. Damn, Kian. Stop it.


"Hindi!"


"Baka buntis ka?" I teased again.


There, her face blushed again.


"Paano ako mabubuntis aber?!" she shouted again.


"Baka you cheated." Sige pa.


"Ha! Ako? Baka ikaw?" hala, paano napunta sa akin.


"Ikaw. Pinopormahan ka nong nagkakagusto sa iyo eh." Humalukipkip ako. Kumunot ang noo niya.


"Josh." I said his name like this was the ugliest name in the world.


"Anong pinorpormahan?! He's just my friend. My god, Kian!" iling niya. Lumapit ako sa kanya. Nag-uumpisa na rin siyang magpalit. "At may nabubuntis bang nag-uusap lang?!"


Hindi ko na nakayanan ang sarili ko at tumawa ng sobrang lakas.


Reaching Star (S)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon