STORY #69 (True Story)

6.3K 107 4
                                    

This story is from @Vaness04.

Laboratory Room part 1

1st year highschool si @Vaness04 nung mangyari 'to sa kanila ng mga kaklase niya.

Byernes yun, naisipan ni @Vaness04 na magdala ng mp5 player sa school nila at pagdating nga niya sa room nila ay agad na pinagkaguluhan ang gadget niyang iyon.

Nung magbreak time na ay hiniram iyon ng classmate niyang si Paul. Hindi niya alam kung anong gagawin ni Paul sa mp5 niya pero dahil sa matalik niya itong kaibigan ay hinayaan niya nalang ang lalake.

Pagkatapos ng break time nila, agad na pumasok na si @Vaness04 sa classroom nila pero nagtaka siya dahil may pinagkakaguluhan ang mga classmates niya pati na ng guro nila. At dahil sa nacurious siya ay nakipagsiksikan siya. Ang pinagkakaguluhan pala ng mga kaklase niya ay ang mp5 player niya. May parang videong pinapanood ang mga kaklase niya sa gadget niya kaya lumapit na si @Vaness04 at nagtanong kay Paul.

"May kakaiba kasi kaming nakunan ng video. Heto, panoorin mo." Ang sagot sa kanya ni Paul kaya agad na natuon ang pansin niya sa video.

Unang makikita sa video ay ang kaklase nilang si Che. Nagkukunwari itong nagrereport sa harap mismo ng Laboratory Room. Nakalock kasi ang Lab. Room nila kaya hanggang doon lang sila sa labas. Pagkatapos na magreport kunwari ni Che ay nag-appear yung iba nilang mga kaklase sa video habang nagtatawanan. Maya maya pa ay itinutok na ni Paul ang mp5 doon sa loob ng Lab. Room. Narinig niya pa na nagsalita si Paul.

"Ito po ang Laboratory Room namin." Pagkatapos ay inilibot pa nito ang mp5 sa buong Lab. Room pero maya maya lang ay may nahagip ang mp5 na kakaiba. Sa video ay kitang kita ang tatlong anino. Yung isang anino ay maliit at yung dalawa naman ay matangkad. Parang nakatingin ang tatlong anino na iyon sa bintana ng Lab. Room.

Pagkatapos nga ng video ay agad na idenelete nila iyon sa mp5 ni @Vaness04 dahil sa talagang kinilabutan sila.

Ang tanong, sino kaya ang tatlong aninong iyon? Sa tingin niyo?

Laboratory Room part 2

Ang kababalaghang ito naman ay nangyari sa kaibigan ni @Vaness04 na nagngangalang Ann.

1st year highschool pa din sila nun. Last subject nila nun at ang uwian nila ay alas syete ng gabi dahil sa 2nd shift ang klase nila. Habang nakikinig si @Vaness04 ay narinig niyang nag-excuse sandali si Ann para magCR. Ilang sandali na nawala si Ann pero nagtaka si @Vaness04 dahil pagbalik ni Ann ay namumutla at nanglalamig na ito.

"Anong problema Ann?" Ang agad na tanong niya sa babae habang ginagagap ang kamay nito. Hindi ito agad na nakasagot sa tanong niya kaya hinayaan muna niya ito.

Pagkatapos nga ng last subject nila ay agad na nagkwento si Ann sa kanya.

Pababa daw ito sa 2nd floor kung saan nakalocate ang CR nila. Medyo madilim ang 2nd floor dahil wala nang nagkaklase doon pero may sinag naman na nanggagaling sa ilang buhay na ilaw sa loob ng campus at sa buwan kaya tama lang na makita mo ang daraanan mo. Nung mapadaan daw si Ann sa Laboratory Room ay may napansin ito, ang kanina daw kasi na anino ni Ann na sumasabay sa kanya ay biglang tumigil sa dingding ng Laboratory Room. Tumigil pa daw si Ann para siguraduhing namamalikmata lang siya pero malinaw na malinaw sa kanya na hindi na gumagalaw ang anino niya kaya sa takot ay agad siyang nagtatatakbo pabalik sa 3rd floor kung saan dinadaos ang klase ng last subject nila nang hindi nakakapagCR.

Marami na din daw ang nakakita sa tatlong anino sa Laboratory. Hindi lang ang mga estudyante kundi pati na ang mga teachers at mga guard na nagroronda tuwing gabi.

Sino nga kaya ang mga anino sa Laboratory Room?

Araw ng paggawa- February 28, 2015.

Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KAKATAKUTAN part 2! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon