STORY #1 (True Story)

39.1K 385 42
                                    

This story is from @FranCinderella.

1st encounter

Sa bahay ng pinsan niya nakatira ang pamilya ni @FranCinderella. Bago pa lang ang bahay kaya hindi pa ito nababasbasan. Kaya naman samo't saring pagpaparamdam ang naeexperienced niya araw araw. Isa na dito ay ang makakita siya ng babaeng nakasout ng bistidang puti. White lady siguro o nagmumultong kaluluwa. Yun ang 1st encounter niya kaya di niya iyon makakalimutan. Naalala niya pa na pababa siya ng hagdan nun. Nung nasa dulo na siya ng hagdan ay bigla siyang napasulyap dun sa pinto na nasa harap ng hagdan. May babaeng nakaputi dun pero agad rin namang nawala at kasabay nga ng pagkawala nun ay ang pabagsak na pagsara nung bukas na pinto.

2nd encounter

Sa bahay ng pinsan niya parin nangyari ito. Alas singko yung ng umaga. Naghahanda si @FranCinderella para sa pagpasok. Malayo rin kasi ang paaralan nila kaya kailangang agahan. Pababa na siya ng hagdan nun nang may biglang naramdaman siya sa likod niya. Nagsisimula naring magsitayuan ang mga balahibo at lamigin ang batok niya. Gustong niyang lingunin ang nasa likod niya pero natatakot siya. Napasulyap siya sa metal na hawakan ng hagdan pero nanlaki nalang ang mga mata niya sa nakita. May nakita siyang babae, babaeng nakasout ng puting bistida. Nakanganga ito at kitang kita niya na walang eyeballs ang mga mata nito. Galit na galit rin ang mukha nito na animo'y handang handa siyang dambahin. Kaya ang ginawa niya ay binilisan nalang niya ang pagtakbo pababa ng walang lingon likod na ginagawa.

Itong story naman na ito ay about sa Kuya ni @FranCinderella.

Kung ang naencounter ni @FranCinderella ay babaeng nakabistida ng puti ay iba naman ang sa Kuya niya. Black lady ang naencounter nito. Pinaglalaruan daw ito ng black lady. Pinapalipad daw nito ang folding bed tapos one time, nagising nalang daw ang Kuya niya na nakadikit yung folding bed niya sa kisame. Ayaw sanang maniwala ni @FranCinderella sa Kuya niya kasi minsan daw, sabog yun pero nung nagkukwento daw kasi ang Kuya niya ay seryosong seryoso daw ito.

Araw ng paggawa- March 28, 2014

Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KAKATAKUTAN part 2! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon