So, ang story na ito ay about sa bahay namin. Naisipan ko lang ishare.
Gilid ng bahay
Matagal na naming pinaplano na ipagiba yung bahay namin at magtayo ng bago. Gusto namin na mas palakihin pa yung bahay pero parang hindi matutuloy ang pinaplano namin.
Nung isang araw, napagpasyahan ni Mama na simulan na yung pagpapagiba sa bahay pero sabi ng Ninong ko ay ikonsulta muna daw namin ang plano namin sa isang albularyo. May nararamdaman daw kasi siya lalo na sa gilid ng bahay. Kahapon nga ay pumunta dito sa bahay yung albularyo. Chineck niya yung bahay namin pero ang sabi niya, di daw pwede yung plano namin dahil ang gilid ng bahay namin ay ang lagusan ng mga spiritu. Hindi ko magets pero yun yung sinabi ng albularyo samin. Pero pwede naman daw na kausapin ang mga spiritu. Baka daw pumayag ang mga ito pero pag di pumayag, wala daw kaming magagawa dahil kung ipipilit pa namin yung plano namin ay maaaring may mamatay sa pamilya namin.
Kinagabihan nun, nag-usap usap kami sa sala kasama ang mga pinsan ko pati na yung labandera namin at si Ninong.
"Kaya pala sa tuwing mapapasulyap ako diyan sa gilid, parang pinanlalamigan ako tapos nagsisitaasan yung mga balahibo ko." Sabi ni Regine, pinsan ko.
"Yan din ang parati kong nararamdaman lalo na't papalubog ang araw." Dugtong ni Ninong.
"Kaya pala nung isang araw, habang naglalaba ako, may nakita akong tatlong nakaputi na dumaan sa harap ko papunta diyan sa gilid ng bahay niyo." Dagdag pa ng labandera namin na sa pagkakaalam ko ay may third eye.
"Sana, pumayag sila na ipagiba ang bahay no?" Si Mama.
"Sana nga." Ako
Balak naming kausapin ang mga spiritu sa tulong ng mga spiritista at albularyo sa susunod na linggo. Sana pumayag sila.
(NASA MULTIMEDIA PO ANG PICTURE NG TINUTUKOY KONG GILID NG BAHAY NAMIN.)
Araw ng paggawa- May 30, 2014
BINABASA MO ANG
Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KAKATAKUTAN part 2! [COMPLETED]
HorrorMga hindi pangkaraniwang kwento tungkol sa kababalaghan na hindi natin masyadong pinaniniwalaan, dito niyo lang matutuklasan. Ihanda na ang sariling matakot at panindigan ng balahibo dahil magtatakutan ulet tayo dito sa Nginig! KATATAKUTAN part 2!