STORY #95 (True Story)

3.7K 73 4
                                    

This story is from @ErickDeJesus7.


12 years old siya nun nung mangyari sa kanya ang kakaibang kababalaghang ito.


Nakatira sila nun sa isang apartment sa Taguig na may lumang bodega sa likod nito. Nag-aalaga siya nun ng mga kalapati at iba pang hayop. Nakapwesto ang mga kulungan nito sa harap mismo ng lumang bodega.


Isang araw, habang nagpapakain siya sa mga alaga niya ay bigla nalang siyang nanlamig.


Simula daw nun ay lagi nalang siyang nakikita ng mga kasama niya sa bahay na tulala.


Hanggang isang gabi, naalimpungatan daw ang kapatid niya na katabi niyang matulog sa kama. Nagulat daw ito dahil wala na siya sa tabi nito. Nung gabi ding iyon ay hinanap siya ng hinanap ng mga kasama niya sa bahay. Pati nga ang mga kapitbahay nila ay tumulong na din pero hindi daw talaga siya nakita. Tinawagan na din ng mga ito ang mga kaibigan niya pero wala pa din. Halos sumuko na ang pamilya niya nun sa paghahanap sa kanya nang bigla siyang makita ng mga ito na lumalabas galing sa loob ng lumang bodega. Nagulat din ang mga ito sa suot niya. Nakabarong siya na puti, nakablack pants at nakasout pa ng napakakintab na black shoes na nakapagtataka kasi wala naman siyang mga ganung damit at sapatos.


Ilang araw ang nakalipas simula nung mangyari yun ay hindi na siya natutulala. Bumabalik na din sa dati ang totoong @ErickDeJesus7 pero napapa-isip pa din siya hanggang ngayon kung anong ginagawa niya dun sa loob ng lumang bodega basta ang huli niyang natatandaan ay nanaginip siyang may kalaro siyang batang babae at niyaya pa siya nito na pumunta sa bahay nito na agad naman niyang sinunod.


Hindi niya mawari kung anong kababalaghan iyon pero isa lang ang nasisiguro niya, isa iyon sa mga hindi niya makakalimutang bangungot sa buhay niya.



Araw ng paggawa- June 09, 2015.


Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KAKATAKUTAN part 2! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon