STORY #71 (True Story)

5.4K 113 5
                                    

This story is from @Kowai_hime.

Hindi si @Kowai_hime ang nakaexperienced nito kundi ang bestfriend niya na itago nalang natin sa pangalang Darlene.

Lolo

7 years old palang si Darlene nun nang mamatay ang Lolo niya. Kahit na nalulungkot siya ay sinikap niya pa ring makamove on pero parang ang Lolo naman niya ang hindi makamove on dahil panay ang pagpaparamdam nito sa kanya.

Andun yung gabi gabi nalang siyang nagigising dahil sa may yumayakap sa kanyang napakalamig na hangin.

Pero hindi lang iyon, may mas nakakatakot pang pagpaparamdam ang mismong nasaksihan ng mata niya.

Handa nang matulog si Darlene nun kaya kinuha niya sa sampayan sa labas ang paboritong kumot at dinala iyon sa kwarto niya. Nung nasa kwarto na siya ay saka lang niya napansin na basa pa ang ilang bahagi ng kumot kaya isinampay nalang niya iyon sa harap ng bintana niya at natulog na.

Mga bandang alas dos ng madaling araw nun nang bigla siyang magising sa isang ingay. Sandali niya iyong pinakinggan at nung mahinuha kung ano ang tunog na iyon ay agad siyang napabalikwas.

Tunog iyon ng rocking chair ng Lolo niya.

Agad siyang napatayo at akmang lalabas sana ng kwarto niya para tignan kung sino ang gumagamit sa rocking chair ng Lolo niya pero pagkabukas na pagkabukas niya sa pintuan ng kwarto niya ay agad na sinalubong siya ng isang usok na puti. Nakakurti itong tao. Sinundan niya ng tingin ang usok at nagpunta iyon sa kumot na isinampay niya sa bintana niya.

Mga ilang segundo siyang nakatulala sa usok na nakakurting tao hanggang sa makilala niya kung sino iyon...

Ang Lolo niya at nakangiti ito sa kanya habang nakalahad ang kamay na parang sinasabing...

"Gusto kong yakapin ulet ang apo ko."

Rest In Peace sa Lolo mo, Darlene.

Araw ng paggawa- March 01, 2015.

Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KAKATAKUTAN part 2! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon