STORY #44 (True Story)

8.1K 158 9
                                    

This story is from my parents. Experience nila 'to nung 2 years old pa lang ako. Naikwento lang sakin ni Mama nung isang araw at kinilabutan kami ng kapatid ko kaya napagpasyahan kong ishare dito para mabasa niyo. :) Ganyan ko kayo kalove mga readers ko. Kahit pribadong buhay ko ay handa kong buksan para sa inyo. :) Yiiiieeee ! HAHAHAHA ! :) <3

By the way, ito na yung story.

Kriselda

Sa baryo na kinalakihan ni Mama ay merong isang matanda na nagngangalang Kriselda. Nakatira ito sa tuktok ng maliit na burol. Nag-iisa. May tatlong anak noon si Kriselda at alam yun ni Mama dahil nakakalaro niya pa dati ang tatlong batang yun pero sa di malaman na dahilan ay bigla nalang nawala ang tatlo. Bali balita sa baryo nila Mama na kaya nawala bigla ang tatlong bata ay dahil pinatay ito...ni Kriselda. Simula nga noon ay kinatatakutan na si Kriselda. Iniiwasan na siya ng mga tao sa baryo nila Mama dahil may nakakita daw kay Kriselda na lumalapa ng buhay na manok at kung minsan daw ay nagiging malaking itim na aso ito. 

Pero hindi yan ang talagang story na isishare ko. Ang storyang ibabahagi ko ay ang na-encounter nila Mama at Papa nung umuwi silang dalawa sa baryo na kinalakihan ni Mama.

Undas noon. Nasa sementeryo sila Mama at Papa nun. Kasama nila ang mga relatives ni Mama. Doon nila napagpasyahang magpalipas ng gabi. Marami naman ang tao sa sementeryo kaya okay lang na doon matulog.

Pero maya maya lang ay biglang nakaramdam si Mama ng sakit ng tiyan. Natatae siya. Sabi ni Papa kay Mama ay humanap nalang sila ng madilim na lugar dahil wala namang banyo sa sementeryo pero may habit kasi si Mama (Ewan kung habit bang matatawag yan o attitude? Ewan talaga. -_-) na kahit na taeng tae na siya ay ayaw lumabas nung bagay na yun sa katawan niya kapag hindi siya sa nakasanayan niyang CR nagbabawas kaya napilitan nalang si Papa na i-uwi muna si Mama sa bahay nila Lola (Na bahay nila Mama noon. Ewan. Ang gulo ko. -_-). Pagdating nila sa bahay ni Lola ay agad nga na nagbawas si Mama pagkatapos niyang magbawas ay tinawagan nalang ni Mama sila Tita (Kapatid ni Mama) na hindi nalang sila babalik sa sementeryo dahil gabi na din at tulog na daw ako. (Ako pa kasi ang anak nila nung time na yun. Baby pa ako. ^_^) Kaya doon nalang natulog sila Mama sa bahay ni Lola.

Madaling araw daw noon nang magising si Mama dahil iyak ako ng iyak kaya agad niya akong kinuha sa tabi niya at kinarga. Nakaupo lang daw noon si Mama sa higaan habang karga karga ako at parang dinuduyan sa bisig niya nang aksidente siyang mapasulyap sa sirang bintana ng kwarto ni Lola. Doon siya napasigaw.

May nakasilip doon na matandang babae at kilalang kilala niya kung sino iyon. Si Kriselda.

Sa lakas ng sigaw ni Mama ay nagising si Papa at agad na dinaluhan ang nagsisisigaw na si Mama. Panay daw ang turo ni Mama noon sa bukas na bintana kaya ang ginawa ni Papa ay sinilip niya ang bintana. Wala naman daw doong nakita si Papa maliban nalang sa pagkalaki laking asong itim na nakatitig lang sa harap ng sirang bintana ng kwarto ni Lola.

Doon mas kinilabutan si Mama kaya ang ginawa niya, ibinigay niya ako kay Papa at kinuha niya ang maliit na itak na gawa sa bronze na nakalagay sa secret pocket ng traveling bag nila. Pumunta si Mama sa harap ng sirang bintana at iwinasiwas sa labas ang itak na gawa sa bronze. Dahil daw doon ay mabilis na tumakbo ang malaking aso palayo.

Kinaumagahan ay sinabi ni Mama kina Lola ang nakita nila at mas lalong nangilabot si Mama sa nalaman niya galing kay Lola.

Totoo daw na ABAT (Aswang sa tagalog.) si Kriselda at totoo daw na ito ang pumatay sa tatlong anak nito dahil nung pinasok ng mga tanod ang bahay ni Kriselda ay nakita nila ang tatlong bungo ng bata sa ibabaw ng mesa nito na hindi nalang pinakialaman ng mga tanod dahil sa takot na sila ang isunod ni Kriselda.

Araw ng paggawa- November 6, 2014

P.S- Gusto ko sanang kunan ng litrato yung sinasabi kong itak na gawa sa bronze pero ayaw pumayag ni Mama. -_- Kaya mag-imagine nalang kayo. XD

Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KAKATAKUTAN part 2! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon