These stories is from @Pinkiee_Purple.
Kalaro
10 years old palang si @Pinkiee_Purple nun nang lumipat sila sa bahay ng Lolo niya. Maganda ang bahay. Malaki at maaliwalas. Akala ni @Pinkiee_Purple ay labis niyang magugustuhan ang bahay pero hindi pala.
Maganda naman ang unang linggo nila doon pero pagkalipas ng ilang araw ay doon na niya hindi nagustuhan ang bahay dahil nagsimula na siyang makaramdam at makaranas ng mga kakaiba.
Una ay nung nilalaro niya ang pamangkin niya. Masaya silang nagkikilitian nun at nang makakita ito ng tyempo ay bigla itong tumayo at tumakbo para maka-iwas sa mga kiliti niya. Sa kusina tumakbo ang bata kaya natatawa niya itong sinundan pero labis ang pagkabigla ni @Pinkiee_Purple nang batukan siya bigla ng Kuya niya.
"Bakit tumatawa ka diyan mag-isa? Para kang tanga! Sino ba nilalaro mo? Daga?"
"Si KenKen po ang nilalaro ko, Kuya!" Ang agad daw nun na sagot ni @Pinkiee_Purple pero nanlaki nalang ang mga mata niya nang hinila siya ng Kuya niya patungo sa kwarto ni KenKen at doon, naabutan nila ang bata na mahimbing na mahimbing na natutulog.
"Oh? Anong KenKen ang pinagsasabi mo? Ke bata bata mo pa, nagshashabu ka na!" Asar pa nun ng Kuya niya pero ni hindi niya noon makuhang magreact dahil sa talagang hindi siya makapaniwala.
Kung ganun, sino pala ang kalaro niya kanina sa sala?
Hagdanan
Naranasan din ito ni @Pinkiee_Purple sa bahay ng Lolo niya.
Gumagawa sila nun ng project ng pinsan niya sa sala nang tawagin ito ng Lolo niya. Agad naman itong lumabas dahil nasa labas ang Lolo niya. Pinagpatuloy ni @Pinkiee_Purple ang paggawa nun sa project niya nang makita niyang may umaakyat sa hagdanan patungong 2nd floor. Sa pag-aakalang ang pinsan niya yun ay tinawag niya ito ng tinawag dahil may itatanong siya tungkol sa project nila pero ni hindi man lang ito nag-abalang lumingon sa kanya kaya naman tinawag niya ito sa palayaw na alam niyang hinding hindi nito magugustuhan pero nagulat nalang siya dahil mula sa pintuan sa sala ay pumasok ang pinsan niya.
"Ano ba naman Chrystal! Alam mo namang inutusan pa 'ko ni Lolo eh!" Ang nakasimangot nitong sigaw sa kanya pero tulala lang siya nun.
Kung ganun, sino ang nakita niyang umakyat sa hagdanan gayung ang pinsan, ang Lolo at siya lang naman ang nasa bahay nung mga panahong yun?
Araw ng paggawa- March 23, 2015.
BINABASA MO ANG
Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KAKATAKUTAN part 2! [COMPLETED]
HorrorMga hindi pangkaraniwang kwento tungkol sa kababalaghan na hindi natin masyadong pinaniniwalaan, dito niyo lang matutuklasan. Ihanda na ang sariling matakot at panindigan ng balahibo dahil magtatakutan ulet tayo dito sa Nginig! KATATAKUTAN part 2!