STORY #35 (True Story)

9.3K 137 3
                                    

This story is from @ForevesG.

Kusina at Sala

Lumipat ng bahay sila @ForevesG nung nakaraang taon at sa bago nilang tirahan ay kasama nila ng Ate at Mama niya ang Tita nila pero minsan ay wala ito dahil kasama nito ang asawang Italiano.

So, may mga naririnig na bali balita o tsismis si @ForevesG na ang tirahan nila ngayon ay dating tirahan ng mga madre pero hindi nalang niya iyon pinansin.

Isang gabi, may nangyari sa kanya na masasabi niyang totoo pala talaga ang tsismis tungkol sa bahay nila.

Nung bagong lipat daw kasi sila ay wala pa silang wifi connection kaya tuwing gabi ay pumupunta siya sa kusina para makisagap ng free wifi sa kapitbahay. 

Nung sumapit daw ang 11:00 ng gabi ay bigla nalang nagkalampagan ang mga kawali at kaldero na nasa kusina nila kaya sa takot ay dali dali siyang umakyat sa kwarto niya.

Akala ni @ForevesG, daga lang yun o hangin kaya sa sumunod na gabi ay dun ulit siya tumambay sa kusina pero nangyari ulit ang pagkakalampagan ng mga kawali't kaldero.

Ilang gabi din yun kaya napagpasyahan ni @ForevesG na dun nalang sa sala nila tumambay. May wifi narin kasi sila at hindi na niya kailangang makisagap pa sa kapitbahay.

So, nung tumatambay nga siya sa sala, may bigla dawng tumawag ng pangalan niya. Akala niya ang Ate niya o ang Mama niya kaya agad siyang umakyat sa mga kwarto nito pero nagulat nalang siya kasi mahimbing na tulog na ang mga ito.

Simula nun ay hindi na nagpapagabi si @ForevesG sa kusina o maging sa sala man sa takot na magkalampagan ulit ang mga gamit sa kusina o may tumawag na naman ng pangalan niya.

Araw ng paggawa- September 4, 2014.

Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KAKATAKUTAN part 2! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon