STORY #60 (True Story)

6.8K 123 9
                                    

This story is from @Deneseee.

Ang nakaranas ng kababalaghang ito ay ang Ate ni @Deneseee na itago nalang natin sa pangalang Ailee.

Highschool pa si Ailee nun noong mangyari sa kanya ang pikaunang kababalaghan na naranasan niya.

Gabi na nun. 9PM. Nasa isang iskwelahan sila Ailee na itago nalang natin sa initial na TNHS dahil nagpapractice sila ng volleyball. Hindi iyon iskwelahan ni Ailee pero dahil yun ang iskwelahan na hindi maagang magsara ay no choice na din sila kundi doon magpractice. Kasama naman ni Ailee ang mga kateam niya na doon nag-aaral noong elementarya palang ang mga ito at ang iba pa niyang kaklase na kakilala ng mga gwardya kaya pinayagan na din silang makapagpractice doon.

Mga halos isang oras din silang nagpractice nang mapagpasyahan nilang magpahinga muna. Kaya naisipan nalang din nila Ailee na pumunta sa CR kasama ang isa niyang kateam na doon nag-aaral noon.

Pagkatapos ngang magCR ni Ailee ay naghugas na siya ng kamay pagkatapos ay naghilamos na din pero natigil ang paghihilamos niya nung may marinig siyang sumisigaw. Sigaw ng isang CAT commander.

"KALIWA... NA! HARAP SA KANAN... NA!" Patuloy na sigaw ng CAT commander na dinig na dinig ni Ailee at ng kateam niya.

"Hindi lang pala tayo ang nagpapractice dito no? May mga CAT din pala." Si Ailee habang nagpupunas na ng mukha.

Pagkabalik na pagkabalik nila sa gym ng naturang iskwelahan ay nag-aya naman ang isa pang kateam ni Ailee na magyosi muna sila sa labas kaya pumayag na din si Ailee. Doon sila tumambay sa waiting shed na malapit sa guard house kaya naisipan nalang din nilang makipag-usap sa mga gwardya doon para naman maging magkaibigan na din sila at madali na lang para sa kanila na makapagpractice sa naturang iskwelahan.

Halos 30 minutes din silang nag-usap ng mga gwardya at nung wala na silang mahagilap na topic ay ang gwardya naman ang nagtanong sa kanila.

"Buti at wala kayong naririnig na commander diyan sa CAT?" Tanong sakanila ng isang gwardya.

"Meron nga ho eh! Hindi lang pala kami ang nagpapractice ngayon?" Tanong ni Ailee.

Agad naman na nagkatinginan ang tatlong gwardya dahil sa isinagot niya. Napansin naman iyon ni Ailee.

"Bakit po?" Takang tanong niya dahil sa mga hindi maipintang mukha ng tatlong gwardya.

"Mga ijah, sa totoo lang ay kayo lang mga volleyball players ang nagpa-practice ngayon." Panimula ng isang gwardya na agad na nagpakunot ng noo nilang dalawa ng kanyang kasamang magyosi.

"Ang commander ng CAT ay isang multo. Tuwing gabi ay naririnig ko yan mag command diyan." Dugtong naman ng isa pang gwardya na agad na nagpatayo ng mga balahibo niya sa buong katawan.

"Sa CR niyo ba kamo siya narinig?" Tanong ng isa pang gwardya. Agad naman na tumango si Ailee.

"Ang likod ng CR na yun ay isang hagdan pero matagal nang hindi ginagamit simula nung may madulas at mamatay diyan."

"At alam mo ba kung sino ang nadulas at namatay diyan?" Agad na dugtong ng isang gwardya.

"Yung CAT commander na naririnig niyo. Siya ang namatay diyan kaya diyan siya nagmumulto."

Pagkatapos na makipag-usap ni Ailee sa mga gwardya nung gabing yun ay agad na siyang nag-aya na umuwi na. At wala na din siyang planong bumalik pa sa iskwelahang iyon para magpractice.

Araw ng paggawa- February 07, 2015.

Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KAKATAKUTAN part 2! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon