STORY #9 (True Story)

16.7K 236 32
                                    

This story is from @BeTheBestGirl.

Experience ho ito ng Lola niya.

Kwarto

Linggo yun nangyari sa Lola niya. Umaga. Mga 7 am ng umaga. Umalis sina @BeTheBestGirl sa bahay nila kasama ang Mama at Papa niya. Ihahatid daw kasi nila sa trabaho ang Mama niya. Naiwan ang Lola niya sa bahay nila. Ito kasi ang naglilinis ng bahay at nagbabantay ng tindahan nila kapag wala sila. Saglit lang sila nun kaya nakabalik agad sila @BeTheBestGirl sa bahay nila.

"Hi La! May pasalubong po ako sa inyo!" Masayang sabi ni @BeTheBestGirl sa Lola niya pagkatapos niyang magmano. Pero imbis na ngitian siya ng Lola niya ay ibinalik lang nito ang atensyon sa iniinom na kape at hinalo halo ito. Nagtaka daw si @BeTheBestGirl kaya tinanong niya ang Lola niya.

"May problema ho ba La?"

Pero imbis na sagutin siya ng Lola niya ay tumayo lang ito at pumunta sa sala. Maya maya lang ay tinignan siya nito at tinawag kaya agad naman na lumapit si @BeTheBestGirl. Paglapit niya sa Lola niya ay agad nitong tinuro ang kwarto ng Mama at Papa niya. Tinignan ni @BeTheBestGirl yung tinuro ng Lola niya pero wala namang kakaiba dun kaya tinanong niya ito.

"Ano po yun?"

Bago siya sagutin ng Lola niya ay pina-upo muna siya nito saka ito nagsimulang magkwento.

Naglilinis daw ang Lola niya sa kwarto ng Mama at Papa niya pagkatapos maglinis ay agad na isinara ito ng Lola niya kasi baka pasukan na naman ng alikabok. Nung matapos maglinis ng kabahayan ang Lola niya ay napagpasyahan nitong maligo kaya agad itong nagtungo sa kwarto ng Mama at Papa niya para kumuha ng ilang damit. Andun kasi ang damit ng Lola niya. Nung bubuksan na daw ito ng Lola niya ay di na daw ito mabuksan. Kahit anong pilit daw ay ayaw na nitong magbukas. Hindi naman daw alam ng Lola niya kung saan yung susi kaya pilit pa rin nitong binubuksan ang pinto. Pero sa natatandaan ng Lola niya ay hindi daw talaga nito inilock ang pinto ng kwarto. Kaya naman nagkakutob daw ang Lola niya na baka yung mga hindi natin nakikita lang ang nagsara ng kwarto kaya kinausap daw ito ng Lola niya.

"Buksan mo lang yung pinto, kukuha lang ako ng damit hindi kita gagambalain."

Pagkatapos daw na kausapin iyon ng Lola niya ay bumaba nalang daw muna ito saglit para kumuha ng tuwalya pagkatapos ay bumalik agad.

Pagbalik daw ng Lola niya ay bukas na daw yung pintuan.

Araw ng paggawa- April 29, 2014

Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KAKATAKUTAN part 2! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon