STORY #52 (True Story)

7.1K 138 20
                                    

Bago ko simulan ang storyang 'to. Gusto ko lang ipaabot ang pakikiramay ko sa Entero Family. R.I.P Tita Bebe.

Stainless

So, ang storyang ito ay tungkol kay Tita Bebe at sa isang estudyante na isa sa mga boarders  ng boarding house nila.

So, simulan natin sa dahilan ng pagkamatay ni Tita Bebe. Complicated ang sakit niya. Una ay breast cancer na dahilan upang matanggal ang dalawa niyang suso tapos may sakit din siya sa balakang niya which is hindi ko alam ang term ng sakit na yun pero nagpa-opera siya nun at may inilagay na stainless sa balakang niya. May tubig din ang baga niya. Pero nung nalaman niyang may tubig ang baga niya ay hindi na siya nagpa-opera dahil hindi na niya kaya pang mag-undergo ng operation at yun ang dahilan ng pagkamatay niya.

So, noong namatay siya, nakalimutang kunin ng mga taga punenaria ang stainless sa balakang ni Tita Bebe at pag hindi daw natanggal yun, hindi matatahimik ang kaluluwa niya which is paniniwala ng matanda.

Akala namin, akala ko, paniniwala lang talaga yun. Pamahiin ika nga. 80% na hindi totoo pero nung minsang dumalaw kami sa lamay ni Tita Bebe ay doon ako kinilabutan.

Totoo ang pamahiin. Hindi nga natatahimik ang kaluluwa ng isang tao hanggang may nakakabit na bakal sa katawan niya. At ang nagpatunay at nagkwento nun ay ang isang estudyante na isa sa mga boarders ng boarding house ni Tita Bebe.

Gabi na nun. Mga 11 ng gabi. Kasalukuyan siyang nag-aaral nang may biglang kumatok sa silid niya. Agad naman siyang tumayo at tinungo ang pintuan at pinagbuksan ang kumakatok. At ang nakita niya sa labas ay si...

Tita Bebe.

"Magandang gabi po, Ate." Bati niya pa daw nun kay Tita Bebe pero wala itong imik. Blangko ang namumutla daw nitong mukha.

"Ah eh...bakit po pala kayo napadaan dito? Gabi na po ah? Baka ho makasama sa inyo." Tanong niya ulit pero wala pa din daw itong imik kaya tinawag niya ulit ito.

"Ate?"

"May sira ang ceiling fan mo diba? Kukunin ko lang sana." Blangko ang mukha daw na sagot ni Tita Bebe.

Agad na napakunot ang noo ng estudyante dahil wala namang sira ang STAINLESS niyang ceiling fan. Sa katunayan nga ay yun ang nagbibigay ng hangin sa kanya habang nag-aaral siya kanina lang. Pero para makasiguro na hindi nga yun sira ay nilingon niya pa ito. Umiikot pa din ito sa ibabaw ng kisame kaya ang ginawa niya, mas nilakihan niya ang siwang ng pinto at balak sanang ipakita yun kay Tita Bebe pero bigla nalang daw itong nawala sa harap niya kaya napakibit balikat nalang siya sabay sarado sa pintuan niya.

Kinubukasan, habang nag-aalmusal sila ay nagimbal siya dahil sa nalaman galing sa isa sa mga kaboardmate niya.

"Ikatatlong gabi na pala mamaya ng lamay ni Ate Bebe. Hindi ka ba dadalaw?"

"Ha? Sinong Ate Bebe?" Nakakunot noo niya pang tanong.

"Si Ate Bebe! Yung may-ari nitong boarding house. Hindi mo pa pala alam? Pumanaw na siya."

Dahil daw sa balitang iyon ay agad siyang napasugod sa bahay ni Tita Bebe nung umaga ding iyon para makasigurong nagsasabi nga ng totoo ang kanyang kaboardmate pero nangilabot nalang siya dahil sa nakita.

Nasa service ng punenaria ang kabaong ni Tita Bebe. Ibabalik daw ito sa punenaria para operahan at kunin ang stainless na nasa balakang nito.

Doon pumasok sa isip niya ang pamahiin na sinasabi ng Lola niya sa kanya at sa sinabi ng nagmumultong si Tita Bebe sa kanya kagabi. Kukunin niya ang STAINLESS na ceiling fan. Ang ibig sabihin nun ay gustong ipakuha ni Tita Bebe ang STAINLESS sa balakang niya para matahimik na siya.

Araw ng paggawa- December 16, 2014.

(A.N- Gusto ko lang sanang malaman kung totoo nga ang pamahiin na ito. So, sa mga may Lola at Lolo o Mama at Papa diyan na madaming alam sa pamahiin, pakitanong po tapos comment below kung totoo nga. Salamat.)

Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KAKATAKUTAN part 2! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon