This story is from @rhainejavaluyas.
Prinsipe
2 years ago nung nagbakasyon si @rhianejavaluyas sa probinsiya ng Nueva Ecija. At nung nagbabakasyon nga siya dun ay may nangyari sa kanyang di niya malilimutan.
Mahilig si @rhianejavaluyas sa photography kaya nung makaramdam siya ng pagkabored sa bahay ng Tito niya ay napagdesisyunan niyang pumunta sa gubat na may ilog sa dulo para dun kumuha ng mga litrato. Sa paglalakad ni @rhianejavaluyas ay napansin niyang pabalik balik siya sa isang lugar. At dahil sa takot ay nahimatay siya. Paggising niya, nasa isang maliit na kweba siya. Sinubukan niyang tumayo para sana lumabas pero di siya makatayo dahil pakiramdam niya, may parang nakadagan sa kanya na mabigat na bagay. Pero kahit ganun ay pinilit niya paring tumayo. Nung nakatayo na siya ay agad niyang hinanap ang cellphone niya. Wala iyong signal pero full bat. yun kaya napagdesisyunan niyang lumabas ng kweba. Nung papalabas na siya ng kweba ay nakaamoy siya ng usok. Nakaramdam din siya na parang ang init init ng katawan niya kaya mas binilisan niya pa ang paglabas sa kweba. Paglabas niya, madilim na. Tinignan niya ang cellphone niya at nakita niyang 7 PM na pala. Tinignan niya ang signal ng cellphone niya at may signal na kaya agad niyang tinawagan ang Tito niya para ipasundo siya. Pero ang sinabi lang ng Tito niya ay...
"Rhaine, baliktadin mo ang sout mo at pumikit ka. Magbilang ka ng sampu at dumilat ka."
Ginawa nga iyon ni @rhianejavaluyas at pagdilat niya, nasa harap na siya ng bahay ng Tito niya. Dali dali siyang tumakbo papasok ng bahay at nadatnan niya na nagsisiiyakan na ang pamilya niya. Akala daw ng mga ito ay nakuha na siya ng tuluyan ng prinsipe ng mga engkanto. Naghahanap daw kasi ito ng babaeng mapapangasawa at magiging prinsesa ng kaharian nila. Kinuwento ni @rhainejavaluyas ang lahat ng nangyari sa kanya. Tinanong siya ng Lolo niya kung nakaamoy ba siya ng usok at sinabi niyang nakaamoy siya.
Kinabukasan ay pinatawas siya ng Lolo niya sa isang albularyo at ang sabi nito ay nagkagusto ang prinsipe ng mga engkanto sa kanya. Pero kapag inalayan daw ito ng alak at puting manok at kapag pinakiusapan mo daw ang prinsipe ay mauunawaan daw siya nito at lulubayan na kaya ginawa nila ang sinabi ng albularyo. Kinabukasan nga ay nag-alay sila. Habang pinupugutan ang ulo ng puting manok ay nagdadasal ang albularyo. Sa kalagitnaan ng pagdadasal nito ay may biglang lumabas na lalake. Gwapo ito. Makinis ang mukha at may mga asul na mata. Mahahaba din ang matutulis nitong mga tenga. Napansin ni @rhainejavaluyas na may dalang purselas ang lalake at iniaabot ito sa kanya. Gawa sa pilak ang purselas. May sinabi daw ang prinsipe habang iniaabot sa kanya ang purselas.
"Rhiane, patawarin mo ko at sana tanggapin mo ang munting regalo na ito. Lagi mo itong isuot para hindi ka na gambalain ng kahit na anong nilalang sa lupa. Sana maging magkaibigan tayo at sana magkita tayo ulit." Ito ang huling sinabi ng prinsipe kay Rhiane pagkatapos ay umalis na ito. Nahulog sa lupa ang purselas na gawa sa pilak kaya kinuha iyon ni Rhiane at isinout.
(Nasa MULTIMEDIA ho yung sinasabi ni @rhainejavaluyas na purselas)
Araw ng paggawa- May 28, 2014
BINABASA MO ANG
Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KAKATAKUTAN part 2! [COMPLETED]
HorrorMga hindi pangkaraniwang kwento tungkol sa kababalaghan na hindi natin masyadong pinaniniwalaan, dito niyo lang matutuklasan. Ihanda na ang sariling matakot at panindigan ng balahibo dahil magtatakutan ulet tayo dito sa Nginig! KATATAKUTAN part 2!