STORY #29 (True Story)

11.3K 141 3
                                    

This story is from @Zirnehz15.

 

Batang Lalake

Bata pa lang si @Zirnehz15 ay malakas na ang pakiramdam niya. Naging lapitin din siya ng mga lamang lupa dahil palagi siyang nakakarinig ng mga maliliit na tao na nagtatawanan sa lumang bahay nila. Sila ay mga duwende na isa din sa mga laman lupa. Nagpatuloy ang malakas na pakiramdam ni @Zirnehz15 hanggang sa mag 1st year highschool siya. Naaalala niya pa nun, october 31, 2000, alas otso ng gabi. Kasama ni @Zirnehz15 ang pamangkin niya na kasing tanda lang niya sa bahay nila. Nakikiusap siya dito na kung pwede, dun na matulog sa kanila at ipagpapaalam nalang niya yung pamangkin niya sa mga magulang nito. So, pumunta sila @Zirnehz15 sa bahay ng pamangkin niya kasama si Leonard at Bantet. So, bago marating ang bahay ng pamangkin ni @Zirnehz15 na itago nalang natin sa pangalang Jem ay manggahan at may mga pailan ilan na bahay. Isang kanto ang layo ng bahay ng pamangkin niya sa kanila at dalawang poste ng ilaw lang ang tanging tanglaw nila sa kailaliman ng gabi. Nung pabalik na sila @Zirnehz15 at papasok na uli sila sa manggahan ay may nakita siyang malaking asong puti. Mas malaki pa daw sa tao. Parang hindi totoong aso. Parang hindi natural. Parang kakaiba. Pumasok daw yung aso sa gate ng nag-iisang bahay na nakatayo sa manggahan. Akala ni @Zirnehz15, pagmamay-ari lang yun ng nakatira doon kaya di nalang niya pinansin. Para mawala sa isip niya yung napakalaking aso ay kinausap nalang niya si Leonard na pahiramin siya ng cellphone. Nasa loob na sila ng manggahan nun. Habang nagtitext si @Zirnehz15 ay may biglang lumitaw na batang lalake sa harap niya. Nakasout ito ng kulay puting damit at may putik ito sa mga kamay at paa. Biglang nagbalik sa isip niya ang aso na nakita kanina. Dahil dun ay napatda siya sa kinatatayuan niya dahil sa takot. Napansin naman ng mga kasama niya ang biglaan niyang pagtigil kaya napatigil na din ang mga ito at nag-aalalang tinanong siya.

"Oh? Anyare sayo?" Tanong ng mga kasama ni @Zirnehz15 sa kanya. Pero imbis na sumagot ay itinuro lang niya ang batang nakatayo sa harap niya.

"Oh? Ano naman yang tinuturo mo?"

"M-MAY BATA! MAY BATA SA HARAP KO OH! TIGNAN NIYO!" Takot na sagot ni @Zirnehz15. At mas lalo pa siyang natakot nung lingunin ng mga kasama niya ang tinuturo niya at parang wala man lang itong nakita. Parang lumaki ang ulo niya sa takot. Nagtatayuan na din ang mga balahibo niya.

"Tss! Nananakot lang yan! Undas na kasi!" Ang tanging nasabi nalang ng mga kasama niya at pinagtawanan pa siya.

"Inaantok ka na siguro kaya tara na at umuwi na tayo." Dagdag pa ng isa at hinila na siya pauwi.

Nung nakauwi na sila ay agad na sinabi ni @Zirnehz15 ang nakita niya sa Lola niya. Pero imbis na matakot ay blangko lang ang expresyon ng mukha ng Lola niya sabay sagot ng...

"Oo. May nagpapakita talaga dun na bata. Madungis at namamalimos."

 

---

Tiyanak

November 2 yun. Tanghaling tapat. Naliligo si @Zirnehz15 sa banyo nang may bigla siyang narinig na iyak ng sanggol sa likod ng bahay nila kaya tinawag niya yung katulong nila. Dali dali naman itong pinuntahan siya sa banyo kaya sumilip siya sa siwang ng pinto at tinanong ito.

"May umiiyak na sanggol sa likod bahay. May nakiigib ba sa poso?"

 

"Wala. Bakit?" Sagot ng katulong nila.

"Sigurado ka? Pakicheck nga ulit!" Utos niya dito. Agad naman itong lumabas ng bahay nila at chineck ang poso at ang likod bahay pero wala daw talagang nag-iigib.

Kinagabihan ay napag-usapan nila ng mga kapitbahay niya ang tungkol sa narinig niya. Ang sabi ng mga ito ay tiyanak daw yun dahil bundok at bukirin na ang likod ng bahay nila @Zirnehz15.

Araw ng paggawa- August 12, 2014

Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KAKATAKUTAN part 2! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon