This story is from my Tita at bago lang ito nangyari, nung isang araw lang. December 25, 2014.
Kapre o ano?
December 24, 2014. Pagkatapos na magsimba ay agad na nagkasayahan sila Tita sa bahay nila. Kainan, kantahan at syempre, di maiiwasan ang inuman. Hanggang sa pumatak nga ang alas dose ng gabi hudyat na pasko na ay hindi pa din sila natigil sa inuman hanggang sa mag alas dos na ng madaling araw.
At dahil nga sa inuman nila Tita ay nakaramdam siya ng pagka-ihi at dahil medyo lasing na si Tita ay hindi na siya nagdalawang isip pang lumabas at doon umihi sa isang bakanteng lote. Sa bakanteng lote na yun ay may nakatayong isang malaking Acacia tree at dun siya umihi sa harap ng punong yun.
Papikit pikit pa daw si Tita habang umiihi siya nang bigla siyang nakarinig ng malakas na sutsot. Isang malakas na sutsot na parang nasa harap ng mukha niya lang ang taong sumusutsot.
Agad naman na napadilat ang mata niya pero isang katakot takot na tanawin ang tumambad sa paningin niya.
Napakalaking mukha na may mapupulang pares ng mata na kitang kita niya dahil animo nag-aapoy iyon.
Patuloy pa din daw itong sumusutsot sa harap ng mukha ni Tita habang dilat na dilat ang mapupula nitong mga mata.
Sa takot ni Tita ay tumakbo siya na hindi pa nasusuot ang panty niya.
Kinabukasan ay naiyak nalang si Tita habang kinukwento sa amin yun. Hindi nga sana kami maniniwala kasi lasing siya nun pero alam niya daw sa sarili niya na hindi yun isang imahinasyon lang. Totoo yun at kung nakakapagrecord lang ng video ang mga mata niya ay ipapakita daw niya sa amin ang nakita niya para maniwala kami.
Pero ang hindi lang siya sigurado ay kung ano ang nilalang na iyon. Kapre ba o ano? Kung kapre daw kasi ay siguradong mangangamoy tabako daw iyon dahil sa lapit ba naman ng mga mukha nila.
Kayo? Sa tingin niyo? Ano ang nilalang na iyon? Kapre o ano?
Araw ng paggawa- December 29, 2014.
BINABASA MO ANG
Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KAKATAKUTAN part 2! [COMPLETED]
HorrorMga hindi pangkaraniwang kwento tungkol sa kababalaghan na hindi natin masyadong pinaniniwalaan, dito niyo lang matutuklasan. Ihanda na ang sariling matakot at panindigan ng balahibo dahil magtatakutan ulet tayo dito sa Nginig! KATATAKUTAN part 2!