STORY #84 (True Story)

5.3K 101 7
                                    

This story is from @girl_from_outerspace.


Itong storyang ito ay naexperienced mismo ni @girl_from_outerspace.


Mayroong condo unit sa Manila si Becka.


Isang araw, pinabisita ni Becka si @girl_from_outerspace sa unit niya. Labis na namiss ni @girl_from_outerspace ang pinsan kaya naman ay buong araw siyang andoon hanggang sa gumabi kaya naman nagdecide nalang din si @girl_from_outerspace na doon na matulog sa unit ni Becka.


At doon nangyari ang pinaka-unang kababalaghan sa buhay niya.


12 midnight daw nung magising si @girl_from_outerspace dahil sa ingay ng TV na nasa mini sala ni Becka.


"Ano ba naman 'tong babaeng 'to! Hating gabi na, panay pa panunood ng TV! Ke lakas pa ng volume!" Inis na bulong ni @girl_from_outerspace habang pupungas pungas na bumangon nang maya maya pa ay may nasagi siya sa gilid niya at pagtingin niya, si Becka iyon. Mahimbing na natutulog. Kung ganun, sino ang nag-on ng TV?


Kahit na takot na takot na si @girl_from_outerspace nun ay nilakasan nalang niya ang loob na lumabas sa sala at patayin ang TV. Pagkatapos na patayin ang TV ay agad na nagtatatakbo si @girl_from_outerspace sa kwarto ng pinsan pero mas lalong nagsitaasan ang mga balahibo niya nung pagpasok niya sa kwarto ay kusang namatay ang aircon.


Alam niya, pinaglalaruan siya ng kung anumang kaluluwa o nilalang na hindi niya nakikita nung gabing yun.


Kinabukasan nga ay sinabi niya iyon kay Becka pero pinagtawanan lang siya ng pinsan.


Ang nakaencounter naman ng kababalaghang ito ay ang mga pinsan ni @girl_from_outerspace. Nangyari din ito sa condo unit ni Becka.


Mahilig magselfie ang mga pinsan ni @girl_from_outerspace kaya naman nung magpunta ang mga ito sa bagong condo unit ni Becka ay selfie dito, selfie doon ang peg ng magpipinsan.


Nung mapagod na ang mga ito sa kakaselfie ay napagpasyahan ng mga ito na isa isahin ang mga litrato nang makuha ng isang litrato ang pansin nila.


Yung selfie nila sa pader ng kwarto ni Becka na may iba't ibang nakaka-aliw na art . May parang humarang sa kanilang babae.


Sa nakita sa picture ay agad na nagsitakbuhan palabas ng condo unit ang magpipinsan at nasumpungan nalang nila ang kanilang mga sarili sa receiving area ng condo. Pinapakalma sila ng mga staffs doon.


At doon ay nagsilabasan na ang mga kwento ng mga staffs patungkol sa unit ni Becka. May nakabili daw sa unit ni Becka noon na mag-asawa pero agad din itong ibinenta sa iba sa di malaman na dahilan. At ang nakabili naman daw sa unit ay ibinenta din ito makalipas ang ilang araw na pamamalagi sa unit. Sa lahat daw ng unit sa condominium na iyon ay ang unit lang na nakuha ni Becka ang ilang beses ng nagpasalin salin sa iba't ibang tao.


Sa narinig na kwento ni Becka ay may umusbong sa kanyang kursyunidad. Dapat ay malaman niya kung bakit walang nakakatagal sa unit na iyon.


Kinabukasan nga ay pinuntahan ng espiritista ang unit ni Becka at doon nila nalaman ang dahilan. May pinatay na babae sa loob ng unit na iyon. Hindi lang pinatay kundi doon din itinago ang bangkay.


Sa narinig ay agad na ipinakita ni Becka ang litrato na kuha nila nung nagselfie sila. Doon sa may pader sa kwarto ni Becka.


Agad na tumawag sina Becka ng mga staffs sa condo para ipasira ang pader sa kwarto niya. Agad naman itong nasira at nung masira na ito ay agad na nagkalat ang masangsang na amoy sa kwarto ni Becka at maya maya pa, kusang natumba ang isang malaking garbage bag na nakatago sa pader na iyon at pagbukas nila, kalansay ng babae ang laman.


Sa nangyari ay pina-imbestigahan ng may-ari ng condominium ang krimen pero hiniling din nito kina Becka at sa iba pang nakakaalam ng pangyayari na sana ay hindi na lumabas pa sa mga balita ang nangyari sa condominium dahil baka makasira iyon sa pangalan nila. Agad naman na pumayag si Becka sa hiling ng may-ari. Napagpasyahan din niya na ibenta nalang sa iba ang unit niya.



Araw ng paggawa- May 22, 2015.



Sinong nakatira sa isang condo unit sa Manila dito? Baka ang unit ni Becka ang nakuhang unit niyo.

Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KAKATAKUTAN part 2! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon