Ang kwento na ito ay about sa experience ng kapitbahay namin na itago nalang natin sa pangalan na Angel. At dahil wala siyang Wattpad account dahil bukod sa may pamilya na siya ay busy na rin siya at wala ng time sa mga social networking sites kaya ako nalang ang magkukwento ng karanasan niya.
Kaparusahan
Si Ate Angel ay nagtatrabaho sa isang pabrika ng pagawaan ng asukal. Tagahalo siya ng chemical dun. Matagal na siyang nagtatrabaho doon. 5 years na kung kaya’t nagtaka kami kasi nung isang buwan, kumalat ang balita na nagkaTB siya at ang dahilan daw ay ang mga chemical na nalalanghap niya araw araw sa trabaho. Pinacheck up ng asawa niya si Ate Angel pero wala naman daw itong TB at lalong walang findings ang doctor sa sakit nito. Sa pag-aakalang nagkamali lang ang doctor ay pinainom nila ng gamot sa TB si Ate Angel pero imbis na gumaling ay mas lalo pa itong lumala. Di na daw ito makatayo at payat na payat na daw ito. Nagtaka rin sila dahil nagchichange skin ang balat nito. Hindi normal na change skin. Mas malala pa sa nagsun burn. Parang ahas daw ito na nagchange skin. Ipinacheck up ulit si Ate Angel ng asawa niya sa mga magagaling na doctor sa Davao pero ganun pa rin. Walang findings ang doctor kung kaya’t napagdesisyunan ng asawa ni Ate Angel na ipasuri siya sa isang albularyo at doon nalaman kung bakit siya nagkaganun.
“May pinatay ka bang hayop nung mga nakaraang araw ija?” Tanong ng albularyo kay Ate Angel.
Sa tanong daw na iyon ng albularyo ay agad na sumagi sa isip niya ang ahas na pumasok sa opisina niya at ipinapatay niya sa mga tauhan niya.
“Opo. Ahas.” Sagot ni Ate Angel.
“Hindi hayop ang pinapatay mo ija kundi engkanto. Ngayon. Kung gusto mong gumaling at mabuhay, hanapin mo ang patay na ahas kahit na buto nalang nito at ilibing mo sa harap ng malaking kahoy na nasa harap ng opisina mo. Ilibing mo siya sa harap ng tahanan niya. Dasalan niyo ito pagsapit ng alas sais ng hapon. Gawin mo.” Utos ng albularyo kay Ate Angel.
Kinabukasan daw ay hinanap nila ang patay na ahas. Nakita nila ito pero buto na pero kahit ganun ay inilibing parin nila ito sa tapat ng malaking kahoy na di umano ay tirahan nito. Pagsapit naman ng alas sais ng hapon ay dinasalan nila ito.
Makalipas ang isang linggo ay magaling na si Ate Angel. Bumabalik narin sa dati ang balat niya.
Araw ng paggawa- May 1, 2014
BINABASA MO ANG
Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KAKATAKUTAN part 2! [COMPLETED]
HorrorMga hindi pangkaraniwang kwento tungkol sa kababalaghan na hindi natin masyadong pinaniniwalaan, dito niyo lang matutuklasan. Ihanda na ang sariling matakot at panindigan ng balahibo dahil magtatakutan ulet tayo dito sa Nginig! KATATAKUTAN part 2!