STORY #70 (True Story)

5.9K 140 15
                                    

This story is from @GwazielleWio.

Masamang Pangitain/Senyales

Nangyari ang kababalaghang ito nung 4th year highschool si @GwazielleWio.

Tanghali nun bago magdismissal ay inutusan siya ng adviser nila na bumili ng bulletin materials na gagamitin nila dahil malapit na ang prom nila kaya magsisimula na silang magpost ng mga announcements.

Patakaran na sa skwelahan nila na kapag lalabas ka nang hindi mo pa dismissal time ay kailangan mong magpakita ng authorization letter sa mga guard na may pirma ng adviser mo.

Kaya agad na hinanap ni @GwazielleWio ang nakatalagang guard sa gate na iyon para sana ibigay ang letter pero wala ang nakatalagang guard doon na si Manong Bong. Si Manong Bong na parang tatay na din kung ituring ni @GwazielleWio dahil sa ito na ang guard noong grade 2 pa lamang siya kaya naging malapit na malapit na ito sa kanya.

"Kuya, nasaan po si Manong Bong?" Tanong nalang ni @GwazielleWio sa janitor na naglilinis sa tabi ng guard house. Sigurado kasi siyang alam nito kung asan si Manong Bong.

"Nasa tindahan sa tapat Ineng." Ang agad naman na sagot ng janitor kaya agad na nagtungo siya sa harap ng gate para tignan kung andoon nga si Manong Bong at hindi nga nagkamali ang pinagtanungan niya, andoon nga si Manong Bong, nakangiti habang nagbibilang ng pera na nasa isang maliit na envelope na sa tantiya niya ay sahod nito. Pero may kakaibang napansin si @GwazielleWio sa matandang gwardya. Blurd ang mukha nito hanggang sa mawala na nga sa paningin ni @GwazielleWio ang ulo ng Manong. Pero maya maya lang ay naging normal na ulet ang mukha nito nang maglakad na ito papalapit sa kanya. Pumasok sa gate ang matandang gwardya at hinarap siya.

"Ba't ang putla mo Nak? Nakakita ka ng gwapo?" Ang pabirong tanong pa nito sa kanya pero imbis na matawa ay sinabi niya ang nakita niya dito.

"Manong Bong, kanina nung nagbibilang ka ng pera, nakita kitang walang ulo. Ingat ka pauwi ha? Baka kung mapano ka."

Kapansin pansin naman ang gulat sa mukha ng matandang gwardya pero ngumiti nalang din ito ng pilit at nagpasalamat sa kanya.

Kinabukasan.

Maagang pumasok sa eskwelahan si @GwazielleWio para asikasuhin ang ipopost sa bulletin board. Sila kasi ang nakatokang gumawa nun dahil mga 4th year students na sila. Pagkatapos na ma-ipost ang lahat ng announcements ay napagpasyahan niyang magpunta sa canteen at bumili ng agahan. Hindi kasi siya nakapag-agahan sa bahay nila.

Pagpasok niya sa canteen ay nagulat siya nang bigla siyang niyakap ni Aling Melie, tindera sa canteen na asawa ni Manong Bong.

"Naku! Ikaw! Ikaw ang nagligtas sa Kuya Bong mo! Salamat Nak! Salamat!" Ang umiiyak pang sabi nito kaya nagulat siya at napatanong kaya hinila siya ni Aling Melie para pa-upuin at nagsimula na nga itong magkwento.

"Ate Melie, ano po ba talagang nangyari? Nakwento ba ni Manong Bong yung nakita ko kahapon?" Tanong niya.

"Oo. At salamat dahil binalaan mo siya. Tuwing hapon kasi, umaalis si Kuya Bong mo dito sa school ng 6pm sakay ng bike niya, saktong 6:15 siya dumadaan dun sa karinderya nila Ate Tess mo (kapatid ni Manong Bong) para kumain nang libre at makipagkwentuhan. At eksaktong 7pm siya umuuwi ng bahay namin. Palaging ganyan ang sistema niya at hindi nagbabago magmula nang magtrabaho siya dito bilang gwardya. Nagbago lang kahapon, nung binalaan mo siya. Sobrang bagal daw ng patakbo niya ng bike niya, panay daw ang lingon niya kasi baka kung anong mangyari sa kanya, imbes na 6:15 siya nasa karinderya, ganong oras eh nasa daan pa rin siya. Pagdating niya sa karinderya ng mga bandang 6:40, nagulat siyang wasak na wasak ang karinderya dahil may sumadsad na 10wheeler truck sa tapat mismo nun. At alam mo kung anong oras naganap ang pagsalpok ng truck sa karinderya? Eksaktong 6:15 mismo! Kaya kung hindi mo binalaan si Kuya Bong mo, malamang na naipit siya dun at namatay nang tuluyan!"

Hindi nakapagreact si @GwazielleWio dahil sa kwento nun ni Aling Melie. Doon na talaga siya naniwala sa pamahiin na laging naririnig niya sa mga matatanda, batiin ang tao kapag nakitang walang ulo. O mas epektibo kung sampalin ito ng malakas.

Maaring siya nga ang ginamit ng pagkakataon na lumabas ng school ng ganoong oras para mabalaan si Manong Bong at mailigtas ang buhay nito.

Kaya sa mga makakabasa nitong kwento ni @GwazielleWio, please, kung may makita man kayong taong walang ulo, balaan niyo sila. Sinasabi ko lang ito dahil kahit hindi ko/namin ito nagawa kay Papa noong nagpakita siya ng senyales, atleast, makabawi man lang ako sa iba sa pamamagitan nga nitong kwentong 'to dahil masakit mawalan ng mahal sa buhay. Yun lang.

Araw ng paggawa- February 28, 2015.

Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KAKATAKUTAN part 2! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon