This stories are from @pinkxai19.
Karugtong ito ng STORY #61.
Ghostly Encounter #3
2nd year highschool siya nung mangyari ito sa kanya.
Nagpapractice sila ng cheerdance nun dahil sa malapit na ang kanilang Intramurals. Mga around 7PM narin yun pero nagpractice pa din sila. Nung nagwater break sila ay napagpasyahan niyang ilibot ang paningin sa buong iskwelahan nila habang umiinom ng tubig nang may mapansin siya sa left hallway ng school nila. May nakasilip doong maliit na bata. Agad naman na nangunot ang noo niya. Bakit may bata pa sa school nila sa ganitong oras? Strikto ang school nila at bago sila nagsasara ay rumuronda muna ang mga gwardya nila kaya imposibleng may makalusot na bata. Isa pa, walang kinder o kahit elementary man lang sa school nila dahil para lang sa mga highschool ang iskwelahang yun kaya nakapagtataka talagang may bata doon.
At dahil sa nagsisimula na ding mabuo ang takot sa pagkatao niya ay inisip niya nalang na baka isa sa mga kapatid yun ng kasama niya sa cheer dance.
Mga bandang alas nuebe na nung matapos ang practice nila at habang nag-aayos sila ng mga gamit ay naisipan niyang magtanong sa mga kaklase.
"May nagdala ba ng batang kapatid sa inyo?"
Agad naman na nagsi-ilingan ang mga kasama niya.
"Sure?" Paninigurado niya pa na agad naman na sinagot ng mga kasama niya na wala daw talaga.
Doon na nanayo ang mga balahibo niya sa katawan. Kung ganun, sino ang batang nakita niya sa left hallway ng school nila?
Ghostly Encounter #4
One night, naiwang mag-isa si @pinkxai19 sa sala nila dahil nagsi-akyatan na ang mga kasama niya sa bahay para matulog na. At dahil hindi pa siya inaantok nun at bored din siya ay naisipan niyang magluto ng french fries at magmovie marathon. Pagkatapos nga niyang magluto ay dinala na niya iyon sa sala at umupo na. At dahil horror fanatic siya ay horror movie ang pinanood niya.
Mga around 1AM na yun at dalawang movie na ang napapanood niya nang may biglang kumatok sa main door na nasa sala nila. Agad naman siyang nagtaka dahil sinong matinong tao ang kakatok sa oras na yun? At dahil sa hindi pa din tumitigil ang katok ay napagpasyahan niyang tumayo at pagbuksan iyon ng pinto na agad naman na nakapagpatayo ng balahibo niya dahil walang tao sa labas. Pero kahit na nagsisimula na siyang balutin ng takot ay lumabas pa din siya para icheck ang buong bahay nila pero pagkatapos ng ilang minutong pagchicheck kung may tao ba ay wala din siyang nakita kaya pumasok nalang ulet siya ng bahay at ipinagpatuloy ang naudlot na panunood. Pero maya maya lang ay may kumatok ulet at binuksan niya ulet ang pintuan pero isang malamig na hangin lang ang sumalubong sa kanya. Malamig na hangin na kakaiba. Dun na siya natakot.
Napaisip din siya. Baka ang mga tao/nilalang na hindi natin nakikita ang kumakatok sa pintuan nila at pinaparemind lang sa kanya na hindi na oras ng mga tao ang oras na yun which is malapit nang mag2AM kaya napagdesisyunan niyang humingi ng tawad sa mga iyon.
"Kung sino ka man, wag mo akong takutin at lalong lalo nang wag kang magpapakita sakin. Pasensya ka na kung naistorbo o naiingayan ka man sa panonuod ko nga TV. Tatapusin ko lang 'tong kinakain ko at pagkatapos nito ay matutulog na ako."
At sa awa naman daw ng Diyos ay wala na siyang narinig na katok hanggang sa maka-akyat na siya sa kwarto niya.
Araw ng paggawa- February 10, 2015.
BINABASA MO ANG
Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KAKATAKUTAN part 2! [COMPLETED]
HorrorMga hindi pangkaraniwang kwento tungkol sa kababalaghan na hindi natin masyadong pinaniniwalaan, dito niyo lang matutuklasan. Ihanda na ang sariling matakot at panindigan ng balahibo dahil magtatakutan ulet tayo dito sa Nginig! KATATAKUTAN part 2!