STORY #6 (True Story)

18.3K 210 3
                                    

This story is from @FranCinderella

Nightmare before Christmas

December yun. Nangyari to sa bahay nila @FranCinderella sa probinsiya. Alas tres ng umaga daw yun, naalimpungatan siya dahil tumunog yung alarm sa cellphone niya. Nagpa-alarm kasi siya dahil magsisimbang gabi siya. Nung kukunin na daw niya yung cellphone, may nakita siyang kamay. Akala niya, kasama niya yun sa kwarto edi inabot naman niya yung cellphone sabay sabi ng...

"Oh!"

Pagkatapos niyang i-abot yung cellphone ay ipinikit muna niya yung mga mata niya sandali. Dun siya natauhan at dali daling inilibot ang mga mata sa kwarto niya. Wala siyang kasama. Nag-iisa lang siya. Tinignan niya yung ilalim ng kama niya. Walang tao. Dun na siya natakot at nagsisisigaw.

Boarding house

Experience to ng Tita Raquel at Ate Apple ni @FranCinderella.

Double deck ang kama ng Tita Raquel at Ate Apple ni @FranCinderella. Nasa taas si Apple at nasa baba si Raquel. Isang gabi, nakita ni Raquel na nakalawit yung paa ni Apple kaya sinipa ni Raquel yung paa ni Apple para maalimpungatan at umayos ng higa pero kitang kita daw ng dalawang mata ni Raquel na tumagos yung paa niya sa paa ni Apple.

Araw ng paggawa- March 30, 2014

Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KAKATAKUTAN part 2! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon