Isa ba kayo sa mga taong naniniwala sa mga pamahiin o mga agimat o pampaswerte? Kung oo, siguradong magugustuhan niyo ang kabanatang ito.
(A/N- Ang mga sumusunod ho na mababasa niyo ay nakuha ko lang sa Lolo ko na naniniwala sa mga pamahiin, agimat at pampaswerte. Nagkwentuhan kasi kami nung December 27, 2014 at dahil sa sarap ng kwentuhan namin ay naabot dito sa topic na ito kaya kumuha nalang din ako ng ballpen at papel para ilist down lahat ng mga sinabi niya at maibahagi sa inyo. Ganyan ko kayo kamahal mga suki ko! ^_____^)
Una, isa ka ba sa mga taong mahilig pumusta o magsugal katulad ng sa baraha, mga sabong, lotto at iba pa? Minsan ay mas madami pa ang pagkatalo natin kesa sa pagkapanalo, hindi ba? Subukan ang pampaswerte na ito. Nakakatakot pero EFFECTIVE daw sabi ni Lolo.
-Bumili ng bagong bagong baraha.
-Pagsapit ng gabi o mas mainam na pagdilim ng langit ay pumunta sa isang sementeryo.
-Pumwesto sa pinakagitna o pusod na parte ng sementeryo.
-Ilabas ang baraha at laruin iyon kahit na walang kasama hanggang sa sumapit ang alas dose ng gabi.
-Pagkapatak na pagkapatak ng alas dose ng gabi ay agad na hanapin ang ALAS ng baraha at itakbo iyon hanggang sa makalabas ka sa sementeryo.
-Dapat paglabas mo ng sementeryo ay hindi pa nagaalas dose uno ng hatinggabi.
So, bale isang minuto mo lang na gagawin ang paghahanap ng alas at itakbo iyon palabas ng sementeryo. Kung paglabas mo ng sementeryo ay alas dose uno na, bigo ka. At pag nabigo ka, maari kang mabaliw o magkasakit. Ayun pa sa Lolo ko, kahit ikaw lang ang mag-isa sa sementeryo ay may kalaro ka pa din. Mga multo. At gaya ng sa ating mga buhay, nagagalit din sila pag nadaya sila. Kaya kung balak mong gawin ang pampaswerte na ito ay dapat maliksi ka.
Kung nagtagumpay ka naman daw ay suswertehin kang talaga pagdating sa mga sugalan. Take note, SUGALAN lang. Hindi siya effective sa trabaho o maging sa pamilya. Sa sugal lang talaga. Mas madami na daw ang pagkapanalo mo kesa sa pagkatalo.
Pangalawa, gusto mo bang makakita sa gabi? Yung tipong kahit na wala kang dalang flashlight pero ang paningin mo, parang naglalakad ka lang sa umaga? Eh ang maging invisible pagsapit ng gabi? Gusto mo ba? Subukan ito. EFFECTIVE din daw ito sabi ng Lolo ko dahil may kabarkada siyang kawatan noon na sumubok nito.
-Maghanap ng itim na pusa. As in itim talaga. Suriin ng mabuti at baka may puti siyang balahibo sa katawan.
-Humanap ng tagong daan na crossing o pakrus na daan. Yung mga daan na ganito à +. Dapat ay hindi nakasemento ang gitna ng krus na daan. Dapat ay lupa lang. At dapat ay tago ito at minsan lang dinadaanan ng mga tao.
-Pagsapit ng alas sais ng hapon ay magtungo sa krus na daan dala ang itim na pusa at isang panghukay.
-Maghukay sa pinakagitnang parte ng krus na daan pagkatapos ay umupo sa tapat ng hukay at maghintay ng alas dose ng gabi. Sa paghihintay ay dapat hindi nahihiwalay sa iyo ang pusang itim. Dapat ay nakadikit lang ito sayo hanggang sa mag-alas dose.
-Pagsapit ng hating gabi ay agad na ilibing ng buhay sa ginawa mong hukay ang itim na pusa at tabunan iyon ng lupa. Kailangan ay mailibing mo siya bago sumapit ang alas dose uno ng gabi.
-Gawin ito sa last friday ng bawat buwan.
Katulad ng sa sementeryo ay dapat magawa mo ding ilibing ang itim na pusa sa loob ng isang minuto. Kung hindi ay bigo ka at kapag nabigo ka at gusto mong umulit ay dapat, maghanap ka uli ng panibagong patagong krus na daan, isang itim na pusa at maghihintay ka na naman ng panibagong last friday ng buwan.
Pag nagtagumpay ka naman ay malasuper hero ang dating mo. Invisible ka na, nakakakita ka pa sa gabi.
Pangatlo, isa ka ba sa mga babaeng masilan kung magbuntis? Isa ka ba sa mga hindi agad agad nakakapagtrabaho o nakakagalaw pagkatapos mong manganak dahil madali kang mabinat? Subukan niyo ito. Masasabi kong effective ito dahil ang Tita ko ay may ganito ding agimat at makailang ulit na niyang napatunayan sa amin na effective nga dahil tatlong beses na siyang nanganak at sa tatlong beses na iyon, pagkatapos niyang manganak, kinabukasan ay nakakapaglaba na siya. Hindi din siya masilan kung magbuntis dahil noong ipinagbubuntis niya ang panganay niyang anak, akala namin, makukunan siya dahil tumalon siya mula sa mataas na gate ng kanilang bahay dahil pinagbabawalan siya ni Tito noong makalabas at makapaglakwatsa dahil nga buntis siya.
-Maghanap ng buntis na unggoy. Pwedeng bumili o maghanap sa gubat.
-Pagkapanganak na pagkapanganak ng unggoy ay kunin ang unan ng baby niya. Yung parang unan ng baby sa loob ng tiyan ng ina? Yun kasi tawag namin doon, unan o ‘inunlan’. Kinakain kasi iyon ng unggoy pagkatapos niyang iluwal ang baby niya. Kahit sa mga aso o sa ibang hayop ay kinakain din nila ang ‘inunlan’ ng baby nila. Bale yun ay ang way ng paglilinis nila sa anak nila.
-Ibilad ang nakuha mong ‘inunlan’ ng unggoy at pag dry na iyon ay isilid mo iyon sa isang pulang tela pagkatapos ay gawing kwentas o agimat.
(A/N- Tatlo lang iyan sa napakadaming nakakapanindig balahibong pampaswerte o agimat na sinabi sa akin ni Lolo. Magpopost ulit ako pag umabot ito ng 30 votes. ;) Minsan lang akong magdemand kaya gawin niyo na! HAHAHAHA! SALAMAT!)
P.S- Magtanong kayo sa mga Lola at Lolo niyo na mahilig din sa mga bagay na ito at COMMENT below kung totoo nga ang mga pampaswerte o agimat na ito. SALAMAT! :)
Araw ng paggawa- December 29, 2014.
BINABASA MO ANG
Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KAKATAKUTAN part 2! [COMPLETED]
HorrorMga hindi pangkaraniwang kwento tungkol sa kababalaghan na hindi natin masyadong pinaniniwalaan, dito niyo lang matutuklasan. Ihanda na ang sariling matakot at panindigan ng balahibo dahil magtatakutan ulet tayo dito sa Nginig! KATATAKUTAN part 2!