This story is from @serenityL77.
Lumang Balon
Ang nakaranas ng kababalaghang ito ay ang Mama ni @serenityL77 na itago nalang natin sa pangalang Helda.
Mag-a-alas dose na ng gabi nun. Naglalakad lang si Helda pa-uwi sa bahay nila. Galing siya sa kanyang inang may sakit at kaya siya umuwi dahil kukuha siya ng gamot sa bahay nila. Nung malapit na siya sa bahay nila, bigla siyang napasulyap sa isang lumang balon. Bago kasi makaabot sa bahay nila ay may madadaanan muna siyang balon. Lumang balon. Marami na ang nagsasabi na may nakatira sa balong yun pero hindi yun alintana ni Helda dahil na din sa pag-aalala sa ina niyang may sakit.
Ilang hakbang pa ang ginawa ni Helda at nakapasok na siya sa bahay nila. Una niyang tinungo ang kwarto ng anak niyang si @serenityL77 at pagkatapos ay nagtuloy tuloy na sa kwarto niya para kumuha ng gamot pagkatapos ay dahan dahan na bumaba at lumabas ng bahay. Naglakad ulit siya para magtungo ulit sa bahay ng ina pero napatigil siya sa paglalakad nang may kakaiba siyang naramdaman.
Parang may bumibinat ng mukha niya.
Agad siyang nagpalingon lingon pero ang lumang balon lang ang nakita niya. Biglang pumasok sa isip niya ang mga sabi sabi ng mga kapitbahay nila tungkol sa lumang balon na agad din na ikinatindig ng balahibo niya kaya sa takot ay agad siyang naglakad ulet pero mas mabilis na na sinasabayan niya pa ng dasal. Nung makalayo na siya sa lumang balon ay nawala na din ang pakiramdam niya na parang may bumibinat ng mukha niya.
Tabako
Ang nakaranas ng kababalaghan na ito ay ang dalawang Ate at ang mga pinsan ni @serenityL77.
Grade 4 si @serenityL77 noon nung sumali siya sa isang reyna reynahan sa iskwelahan nila. Habang inaayusan siya ng Mama niya ay nasa jeep na ang dalawa niyang Ate kasama na ang mga pinsan niya na sasama sa kanila upang maging tagasuporta niya. Sa jeep ay masarap na nagkukwentuhan ang dalawang Ate niya kasama na ang ilang mga pinsan niya. Sa katunayan nga ay dahil sa sarap ng kwentuhan ng mga ito ay nagkakatawanan na ang mga ito ng malakas na maririnig pa sa loob ng kwarto ni @serenityL77 kung saan siya inaayusan.
Mayamaya pa ay nawala ang malalakas na tawanan ng mga pinsan at dalawang Ate ni @serenityL77. Ang pumalit dito ay ang mga malalakas nitong tili. Agad na napatakbo palabas ng kwarto ang Mama ni @serenityL77. Nakasalubong naman nito ang mga pinsan niya at ang dalawa niyang Ate na parehong may takot na nakarehistro sa mukha.
"Anong nangyari at bigla nalang kayong nagtitili?" Ang narinig na tanong ni @serenityL77 galing sa Mama niya.
Pero ganun na lang ang kilabot na gumapang sa buong pagkatao ni @serenityL77 dahil sa narinig na sagot galing sa isa sa mga Ate niya.
"Habang nagkukwentuhan po kasi kami, bigla nalang kaming naka-amoy ng matapang na amoy ng sigarilyo. Eh wala naman pong ibang tao sa jeep kundi kami lang. Hinanap po namin kung sino ang nagsisigarilyo at may nakita po kami. Isang malaking tabako, sa taas ng puno. Umuusok at gumagalaw galaw pa na parang may nakahawak at humihithit."
Araw ng paggawa- November 21,2014
BINABASA MO ANG
Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KAKATAKUTAN part 2! [COMPLETED]
HorrorMga hindi pangkaraniwang kwento tungkol sa kababalaghan na hindi natin masyadong pinaniniwalaan, dito niyo lang matutuklasan. Ihanda na ang sariling matakot at panindigan ng balahibo dahil magtatakutan ulet tayo dito sa Nginig! KATATAKUTAN part 2!