STORY #10 (Not A True Story/Author's Imagination)

16.8K 232 14
                                    

Amo

“Magandang umaga ho.” Bati ni Jocelyn sa babaeng may edad na na siyang nagbukas ng gate.

“Magandang umaga din! Anong maitutulong ko sayo?” Nakangiting ganting bati din nito sa kanya.

“Ako ho iyong bagong katulong—“

 

“AH! Halika! Pasok! Naku! Pasensya na! Nakalimutan kong ngayon pala ang dating mo.”

 

“Okay lang ho.” Sagot ni Jocelyn sa matanda pagkatapos ay pumasok na sa loob ng kabayahan.

Pagpasok palang sa loob ay may kakaibang naramdaman na agad si Jocelyn. Nagsisitindigan ang mga balahibo niya at parang lumamig ang paligid. Pero binalewala nalang iyon ni Jocelyn.

***

“Wala ho bang ibang katulong dito maliban sakin?” Tanong ni Jocelyn sa matandang si Arlynda na siya palang may ari ng bahay na abala sa paghahanap ng susi sa kwartong pansamantalang tutulugan niya.

“Oo.” Tipid na sagot ng matanda.

“Bakit naman—“

 

“Ito na yung susi. Dumiretso ka nalang sa kusina. Dun sa likod ng kusina ang kwarto mo.” Walang emosyon na sabi ng matanda. Kahit na nagtataka si Jocelyn sa biglaang kilos ng matanda ay binalewala nalang ulit niya iyon at dumiretso na sa kwartong sinasabi nito.

Pagkabukas na pagkabukas ni Jocelyn sa kwartong sinasabi ng matanda ay agad na sinalubong siya ng napakamalamig na hangin. Napayakap si Jocelyn sa mga braso niya. Bigla rin siyang kinabahan.

Kahit na natatakot ay pumasok parin si Jocelyn sa loob ng kwarto. Inilapag niya sa kama ang dalang malita pagkatapos ay inilibot sa loob ng kwarto ang mga mata.

Bigla na namang lumamig ang paligid. Napayakap ulit si Jocelyn sa braso.

Saglit na ipinikit ni Jocelyn ang mga mata at pinakiramdaman ang kwarto.

‘Tulungan mo kami.’

Napadilat si Jocelyn dahil sa narinig niyang iyon. Parang bulong iyon na nanggagaling sa hangin.

Ipinikit niya ulit ang mga mata.

‘Tulungan mo kami.’

Napadilat ulit si Jocelyn pagkatapos ay ipinilig niya ang ulo niya.

“Hay! Guni guni ko lang iyon! Magsisimula na nga ako!”

***

Pagkatapos na magluto ng hapunan para sa kanyang amo ay dumiretso na agad si Jocelyn sa kwarto niya. Hapong hapo na napahiga pabagsak si Jocelyn sa kama niya. Pagod na pagod siya dahil nilinis niya ang buong kabahayan kanina.

At dahil nga sa pagod ay madali siyang nakatulog.

‘Jocelyn. Tulungan mo kami.’

‘Sa ilalim ng kama Jocelyn. Tulungan mo kami.’

‘Jocelyn, tulong! Pinatay niya kami.’

 

‘Jocelyn, nasa ilalim kami ng kama.’

Napabalikwas si Jocelyn dahil sa masamang panaginip na iyon. Dali dali siyang lumabas ng kwarto at nagpunta sa kusina para uminom ng tubig. Nung mahimasmasan na siya ay bumalik na siya sa loob ng kwarto.

Pagpasok niya sa kwarto ay agad na napakunot ang noo niya.

Nasa ilalim ng kama ang unan at kumot niya. Parang may naglagay ng mga iyon doon sa ilalim ng kama. Pero kahit na nagtataka ay yumukod narin siya para kunin iyon.

Pero ganun nalang ang pagkagitla niya nung may nakita siya sa ilalim ng kama. Isang daliri. Inuuod na ito pero buo parin ito.

Nung akmang hahawakan na sana niya ang daliri ay may biglang nagsalita sa likuran niya.

“Jocelyn, tulungan mo kami. Pinatay niya kami.”

 

“Jocelyn, nasa ilalim ng kama mo ang mga bangkay namin.”

 

Kahit na natatakot ay hinarap parin ito ni Jocelyn.

Nakatayo sa harap niya ang tatlong babae. Maputla ang mga ito. May mga dugo din ang suot nitong kaparehang kapareha sa suot niyang uniporme ngayon. Uniporme nilang mga katulong.

“S-sinong p-pumatay s-sa inyo?” Garalgal ang boses na tanong ni Jocelyn.

“Si Arlynda.”

 

Nanlaki ang mga mata ni Jocelyn dahil sa narinig na sagot mula sa mga nagmumultong katulong. Hindi siya makapaniwala sa narinig niya. Si Arlynda? Si Arlynda na akala niya ay mabait na amo?

“Bakit?! B-bakit niya kayo pinatay?”

 

Hindi na nasagot ng mga nagmumultong katulong ang tanong na iyon ni Jocelyn dahil biglang bumukas ang pintuan ng kwarto at iniluwa nun si Arlynda.

“Pinatay ko sila dahil masarap ang pumatay Jocelyn! Masarap makakita at makaamoy ng dugo! Masarap! Masarap!”

 

Sa isang iglap ay tumarak sa ulo ni Jocelyn ang palakol na dala ni Arlynda. Nangisay si Jocelyn habang bumubulwak sa ulo at bibig nito ang masaganang dugo.

Lumuhod si Arlynda sa harap ni Jocelyn. Sinalod niya ang masaganang dugo ni Jocelyn sa pamamagitan ng mga kamay niya at ipinahid iyon sa mukha at braso niya.

“Dugo. Dugo. Ang init ng dugo mo Jocelyn. Patay. Patay. Ang sarap pumatay.”

 

Araw ng paggawa- April 3, 2014

 

Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KAKATAKUTAN part 2! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon