Chapter 1

776 23 7
                                    


Brian:

Hey, let's bar tonight. I'm thirsty, u know the routine.

Saktong kakapasok ko lang nang ma-receive ko 'yon, napa buntong hininga nalang ako at napa irap.

Pagkasara ko ng pintuan ay bumungad naman ang aking nanay na nagmamadaling bumaba ng hagdanan.

"Anak! Anak! Nahanap ko na siya--"

Hindi niya natuloy ang sasabihin ng namali siya nang tapak sa hagdan kaya naman agad kong inangat ang kamay para hindi siya tuluyang mahulog.

Napaawang ang labi niya nang lumutang siya sa ere, nakahinga naman ako ng maluwag at dahan dahan siyang binaba.

Nakasimangot akong lumapit sa kaniya habang siya naman ay tuwang tuwa sa nangyari.

"Mom! Ano ba 'yan?! Mag ingat ka naman!"

Inirapan niya naman ako. "Ikaw talaga.. nahanap ko na ang makakatulog sa atin!"

Kumunot ang noo ko. "Huh?"

"Makikilala mo rin siya, balak ko siyang puntahan-"

Agad naman akong nainis. "Mom, ilang beses ko bang sasabihin na okay ako sa kung anong buhay ko ngayon?! Hindi ko kailangan ng tulong ng kahit kanino!"

"Ano bang pinagsasabi mo?! Ilang beses na tayong sinubukan atakihin ng mga kaaway ng ama mo! Hindi ako immortal kagaya mo!"

Hindi ako naka sagot.

Sa murang edad, namulat ako sa kung ano ako ngayon. Kung saan ako nararapat.. at ang tungkol sa Ama ko.

Nung una, hindi ko maintindihan ang lumalabas sa kamay ko. Kapag nagagalit ako, ang mga gamit namin ay biglang masisira. Tuwing gabi naman ay may bumibisita sa akin at pinapaalis ako sa mundo ng mga tao.

Matagal nang naghahanap ng solusyon si Mommy, ayaw niyang mabuhay ako sa ganitong mundo. Dahil hindi ako ma poproktetahan dito.

Ang weird nga eh, may tumutulong sa amin.

Bata palang ako ay alam kong may nagbabantay sa akin. Black lang ang suot niya at balot a balot.

Nilapag ko ang bag ko sa study table at dumiretso sa higaan.

Napatitig ako sa kisame at napaisip.

Bakit hindi ako tinutulungan ng Ama ko? Nasaan siya? Bakit hindi na siya nagpakita sa akin?

At ano ang nangyari sa kaniya?

Ang hirap isipin na anak ako ng isang Demigod.

Ang dami ko nang nabasa tungkol sa kaniya, at hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi.

Nang mag sampung taon naman ako, doon ko naramdaman ang kapangyarihan ko na gusto nang kumawala matagal na.

My eyes became blue, my hands are strong to carry everything. I have anger issues but i manage to handle that.

And i became immortal after that.

Ayon sa nabasa ko, ang nanay ni Hercules ay mortal. At ang kaniyang Ama ay isang makapangyarihan na immortal. Yun ay si Alcmene, a mortal princess. the granddaughter of Perseus and Andromeda. And Zeus, obviously the God of sky. He's the most powerful Greek God.

His name was actually Heracles, but it was changed too because of Hera. That's why they're calling him now a Hercules.

My Mom is not confident with my immortal life, ang sabi niya ay hindi ito pang patagalan. Mawawala rin daw ito.

Ang mga Demigod ay hindi immortal kapag pinanganak, kaya naman alam niyang hindi ito pang matagalan.

Yun ang rason kung bakit niya ako gustong paalisin dito, ang mahanap ang weapon ni Hercules para maging isang ganap na immortal ako habang buhay.

Son of HeraclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon