Chapter 26

252 17 0
                                    


Napabalikwas ako ng bangon at huminga ng paulit ulit.

Agad akong tumingin sa bintana at nakita ngang bukas 'yon, pinunasan ko ang pawis ko at tumayo para isara 'yon.

Pagkasara ko ay hindi ako nakagalaw at natulala sa pader.

Akala ko ay katapusan ko na, akala ko totoo.

Hindi ko akalain na ganoon ang itsura ni Antaeus, ganon kalaki ang kinalaban ng Ama ko.

Kinuha ko ang baso sa side table at ininom ang tubig, nang maubos ko 'yon ay pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim.

"Karl! Labas!"

Nagmulat ako ng mata nang may kumalabog sa pintuan ko, mabilis akong tumakbo para bukas ang pintuan.

Nakita ko agad si Daniel na hinihingal, nang makita ako ay agad din siyang umalis kaya sumunod ako sa ibaba.

I saw them watching something at the laptop, nang makita ako ni Michelle ay tinuro niya ang pinapanood.

Napaawang ang labi ko at nanlaki ang mata sa nakita.

It's a big Minotaur!

Minotaur is a monster with the body of a man and the head and tail of a bull. He is walking at the forest like he is looking for something.

Daniel have a access around the Academy, he is using his CCTV that has a wing.

Lahat kami ay napasinghap nang tumingin sa direksyon namin ang Minotaur, agad niyang binato ang hawak niyang axe kaya biglang nawala ang camera.

Nagkatinginan kami nang isara ni Daniel ang kaniyang laptop.

"Chloe already heard about this at sinabihan niya na ang mga estudyante na huwag munang lumabas at sinuspend ang class nila." Damon said.

"He is not actually... coming here."

Napatingin kami kay Daniel nang magsalita, seryoso lang ang muka niya.

"He is planning to go at the human world."

Serenity gave us 5 minutes to get our weapon, sinara ko muna ang pintuan at agad na nagtungo sa kabinet.

Kinuha ko ang club weapon at tinignan ang kabuuan nito, nilapag ko muna 'yon sa kama at sinara ang box.

Nang maitago ko na ang lahat ay napunta ang tingin ko sa laruan ko na natanggap ko mula kay Sebastian, hindi ko alam kung bakit ako napatitig doon.

Bumuntong hininga ako at kinuha ang club, hindi ko 'yon pwedeng bitbitin lamang dahil masyado siyan mabigat at malaki. Kaya pinindot ko ang isang buttom sa ilalim non at naging kwintas siya.

Tumingin ako sa salamin para suuotin 'yon, inayos ko na rin ang buhok ko at nagpapogi.

Mas okay nang mamatay ng gwapo 'no, mahirap kapag namatay kang pangit.

Pagkalabas namin ng bahay ay wala kaming nakitang mga estudyante, sinalubong kami ni Chloe sa gate.

"I already called our Father to inform about this." She looked at her brother.

Napairap si Damon. "As if namang makakarating sa kaniya ang nangyayari rito, he doesn't even care about me-"

"He has a good reason, Damon." Chloe smiled.

Hindi nagsalita si Damon at nagpresinta nang buksan ang gate ng Academy, saktong pagbukas no'n ay humangin ng malakas.

Nilibot ko ang paningin ko nang unti unti kaming palibutan ng maiitim na usok, huminga ako ng malalim at ni ready ang sarili.

Son of HeraclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon